top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagkakilala sa kasal ng bilas na ngayon… BIANCA KING, IKINASAL NA SA UTOL NG MISTER NI IZA

  • BULGAR
  • Jun 6, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 06, 2021




Nagpakasal na rin ang aktres na si Bianca King sa BF niyang si Ralph Wintle. Naganap ang kanilang wedding ceremony sa living room ng kanilang bahay sa Sydney, Australia.


Si Ralph Wintle ay nakababatang kapatid ni Ben Wintle na asawa ni Iza Calzado. Kaya bale mag-bilas ngayon sina Iza at Bianca.


Nagkakilala sina Bianca at Ralph noong kasal nina Iza at Ben last Dec. 19, 2018 at du'n nagsimula ang kanilang love story.


Ilang taon ding nag-lie-low sa pag-aartista si Bianca King. Nang mag-expire ang kontrata niya sa GMA Network ay lumipat siya sa TV5.


May mga nagtatanong kung may balak pa bang bumalik sa showbiz si Bianca King ngayong kasal na siya. Saan daw sila mamamalagi-maninirahan ni Ralph — sa Sydney, Australia o sa bayan nina Ralph sa Sandbanks Poole, UK?


Masayang bumati naman kay Bianca King ang mga kaibigang artista na sina Mariel Padilla, Jackielou Blanco, Maxene Magalona, atbp.!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page