top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nagkabukingan na! ZOREN, OUT SA GROUP CHAT NINA CARMINA, MAVY AT CASSY

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 14, 2026



TALKIES - ZOREN, OUT SA GROUP CHAT NINA CARMINA, MAVY AT CASSY_FB Circulated

Photo: FB Circulated



Bonggang tawanan ang naganap sa programang Gandang Gabi Vice (GGV) nang mag-guest ang Legaspi family na binubuo nina Zoren, Carmina, Mavy at Cassy.

Sa panayam, ibinuking ni Zoren na may group chat (GC) ang kanilang pamilya.

“Meron kaming chat group,” saad ni Zoren.


“S’ya (Zoren) may gawa,” sey ni Mavy.

Nang tanungin ni Vice kung ano ang pangalan ng kanilang group chat, kuwento ni Mavy, “‘Yung first group chat, si Papa Z ang gumawa nu’n, tapos ang pangalan, Legaspi’s Info Center.”


“Yes, as in super-formal s’ya,” komento ni Cassy.

“Kasi sabi ni Mama, ‘Grabe naman, Hon (honey), parang opisina,’” kuwento ni Mavy.

Ayon naman kay Carmina, pinalitan ni Zoren ang pangalan ng group chat at mas pinag-isipan na raw nito ang bagong pangalan.


“So, ngayon ay heart emoji, My Family, heart emoji,” sey ni Carmina.

“All caps,” dagdag ni Cassy.


Nang tanungin ni Vice si Zoren kung ano ang paborito niyang emoji, natatawa nitong sagot, “Heart. Hahaha!”


Pero ang mas nakakaloka, ibinuking din ni Mavy na mayroon silang isa pang group chat na madalas ay hindi kasama ang kanilang Papa Z.


“Meron din kami (group chat), madalas wala si Papa Z. Kaming tatlo lang,” kuwento ni Mavy.


“Bakit wala si Tatay?” tanong ni Carmina.

“Wow! Maang-maangan, pero kasama sa chat group,” natatawang komento ni Vice.

“‘Di ko matandaan, eh,” sagot ni Carmina.


Paliwanag naman ni Mavy, “Kunwari, mainit ang ulo ni Papa Z, gagawa kami ng group chat on the side.”


In fairness, all-smiles lang si Zoren kahit ibinuking ang group chat na hindi siya kasama. Imbes na mairita, lalo pa tuloy siyang gumuwapo sa harap ng camera.

‘Yun na!





Napaka-selfless daw… 

MELAI, PROUD NA PROUD NA BEST HUSBAND AT DAD SI JASON



NAGPAABOT ng sweet at punumpuno ng pagmamahal na mensahe ang TV host-komedyana na si Melai Cantiveros para sa kaarawan ng kanyang asawang aktor na si Jason Francisco.


Sa kanyang birthday greeting, tinawag ni Melai si Jason na kanilang ‘Master of the House’ at pinasalamatan ito sa pagmamahal at pagpapasaya sa kanilang pamilya.

Aniya, “Happy Birthday to our Master of the House. Papang Lablab of mine.


“God gave me you talaga kaya thanks be to God, because you bring out the best and the beast of me like no one else can do. That’s why I’m by your side and that’s why I love you.


“Best Papa, Best Husband, Best Tito, Best Apo, Best Son, Best Brother, Best in-law, Best pal, Best for us.


“And I’m so proud of you, too, kasi yesterday sa birthday mo, ang gusto mong gift is smiles namin and tawa namin. You are loved because you are selfless, Papang. Why are you like that? Char lang!


“Thank you, Papang, sa pagpapa-happy sa amin sa bahay sa birthday mo, with your parlor games, raffle. We love you so much. Kaya late post and prizes na.”


Wow, ‘kakabilib naman si Jason! Happy birthday kay Jason, na nagdiwang ng kanyang ika-39 na kaarawan noong October 11.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page