Naging relasyon nila, ibinulgar… RICA, UMAMING DAHIL KAY PIOLO KAYA BALIK-SHOWBIZ
- BULGAR
- 8 minutes ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 28, 2025

Photo: Rica Peralejo - IG
Balik-showbiz si Rica Peralejo after more than a decade.
Ipinost ni Rica ang pictures niya mula sa pagpunta until during the script reading ng latest movie niya na Manila’s Finest (MF) na isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this coming December.
Caption ni Rica: “All I can say is that I am just as surprised as all of you (laughing emoji). But I guess if it’s for you, it’s for you. My prayer is that everything will be like riding a bike — once you know, you’ll always know (hand heart emoji). Love and blessings to us @mquestventures! (film strip emoji).”
Every picture na ipinost ni Rica ay meron siyang say. Una na ang picture nila ni Piolo Pascual na magkasama at inamin niya na ang aktor ang isa sa mga malaking dahilan ng pagtanggap niya sa proyekto.
Sey ni Rica, “A familiar face. And a big part of why I said yes.”
Matagal nang hindi nagkasama sina Rica at Piolo sa showbiz. Ibinulgar din niya sa isa sa kanyang mga rebelasyon sa social media na nagkaroon sila ng relasyon dati. And now, pareho pa sila ng faith in God.
Bukod kay Piolo, ipinost din ni Rica ang picture nila ng isa pa sa cast members ng MF at 2023 MMFF Best Actor na si Cedric Juan.
“It’s been years since I read a movie script. Yet it didn’t feel strange,” caption ni Rica.
Tsika pa ng aktres, natuwa rin daw ang pamilya niya especially her mom na 80 years old na pala. Parang kailan lang nu’ng madalas naming makausap ang ina ni Rica na kung tawagin namin dati ay si Mommy Alice.
Nakita namin kung paano ang pag-e-effort ni Mommy Alice kay Rica during her teenage years sa showbiz.
“My mother turned 80 this year and I told her she has another gift from me. Being my #1 fan and believer, she was deliriously happy to know I am again appearing on the big screen,” sabi ni Rica.
And now, curious kami kung ang gagamitin ni Rica Peralejo ay ang dati niyang screen name or magiging Rica Peralejo-Bonifacio na.
She’s married na kasi kay Joseph “Joe” Bonifacio na isang pastor of Every Nation Church.
MATAGUMPAY at maningning na idinaos ang 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television na ginanap nitong Linggo, Agosto 24, 2025 sa VS Hotel sa Quezon City.
Handog ng Bingo Plus, pinarangalan at kinilala ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga natatanging bituin at iba’t ibang programa ng telebisyon na ipinalabas noong 2023, na naipagpaliban ng grupo dahil sa pandemya.
Pahayag ni Joshua Garcia nang tanggapin ang parangal, “Maraming-maraming salamat, una sa Panginoon, and to my family and friends, sa ABS-CBN, sa GMA, sa Star Magic, and of course sa nagtiwala sa akin at nagbigay sa akin ng role na ‘to, kay Sir Deo Endrinal.
“Hindi ko ito matatanggap kung hindi dahil sa mga co-actors ko, so thank you kina Jodi (Sta. Maria), Gabbi (Garcia)... of course, sa aming director at writers. Ang award na ito ay para sa buong team ng Unbreak My Heart.”
Pinasalamatan naman ni Rhian ang GMA-7, mga kasamahan sa Royal Blood (RB) at mga mahal sa buhay.
“I would like to dedicate this to my home network, GMA-7, to whom I have dedicated 19 years of my life, and I will continue to dedicate every good thing that comes to me. Thank you so much, GMA, for the trust in me.
“I also want to thank my boyfriend (Sam Verzosa) who always encourages me and makes me believe that I’m great and that I can do things,” sabi ni Rhian.
Nagbigay-pugay ang PMPC sa apat na haligi ng Philippine Television sa paghahandog ng Ading Fernando Lifetime Achievement Awards.
Iginawad ito sa 92-year-old veteran actress na si Caridad Sanchez (tinanggap ng anak nitong si Cathy Sanchez-Babao, presented by Sylvia Sanchez), legendary host Ariel Ureta (presented by Boots Anson-Roa), dance icon Geleen Eugenio (presented by Maribeth Bichara) at TV executive Malou Choa-Fagar (presented by Joey Marquez).
Nagbalik-tanaw na tinanggap ni Angelique Lazo ang kanyang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award (presented by Jill Velasco).
Ang German Moreno Power Tandem Award ay iginawad sa popular love teams na sina Barbie Forteza at David Licauco para sa Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man at kina Francine Diaz at Seth Fedelin para sa Dirty Linen.