top of page

Madispatsa lang kahit bagsak-presyo… ENGAGEMENT AT WEDDING RING NI AI AI, P250 K LANG IBINENTA KAY BOSS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 19, 2026



TEKA NGA - ENGAGEMENT AT WEDDING RING NI AI AI, P250 K LANG IBINENTA KAY BOSS TOYO_YT _bosstoyoproduction

Photo: File / YT _bosstoyoproduction




Marami ang labis na nagtataka kung bakit napakamura ng pagkakabenta ng engagement at wedding ring ni Ai Ai delas Alas kay Boss Toyo. Inabot lang daw ng P250,000 ang dalawang singsing. 


Ganu’n lang ba ang value ng singsing na ibinigay sa kanya ng ex-husband niyang si Gerald Sibayan? Wala ba itong mga diamonds?


Anyway, gusto lang siguro ni Ai Ai na madispatsa na sa kanyang buhay ang mga singsing upang tuluyan nang mabura ang mga alaala ng dating mister na nanloko sa kanya upang ganap na rin siyang maka-move on.


Samantala, kahit abala ngayon sa kanyang showbiz career ang Comedy Queen, balak niyang mag-enroll ulit sa baking course para maging pastry chef. Nagbe-bake na siya noon ng ube pandesal na pumatok noong pandemic. Kaya naman daw ni Ai Ai na pagsabayin ang pag-aaral at pagtanggap ng mga projects. 

Bukod dito, may mga TV guestings din si Ai Ai. 


Sa dami ng pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay, hindi na siya basta sumusuko sa anumang kabiguan. Nasasaktan man, may leksiyon namang natututunan. 

Wala siyang mga regrets sa lahat ng ginawa niyang desisyon sa buhay.



LABIS na ikinabahala ni Sen. Robin Padilla nang mabalitaan na tumigil sa paghinga nang ilang minuto si Kris Aquino habang sumasailalim sa isang minor operation recently. 


Kaya nanawagan siya sa lahat na ipagpatuloy ang pagdarasal. Hindi biro ang hirap na pinagdaraanan ngayon ni Kris kaugnay ng kanyang autoimmune disease. Milyon din ang nagagastos niya sa pagpapagamot.


Matapang si Krissy at patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman. Pinipilit niyang maging matatag para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. 


Sa latest update nga sa status ng kalusugan ni Kris Aquino, natuwa ang kanyang mga fans at supporters dahil maganda na ang kanyang aura at nadagdagan ang kanyang timbang. 


Sana nga ay tuluy-tuloy na ang paggaling ni Kristeta.



NAGTATAKA kami kung bakit kailangan pang gamitin para sa publicity ang pagpunta nina Will Ashley at Mika Salamanca sa Hong Kong. 


Nakatulong ba ito sa kanilang career para pakiligin ang kanilang mga fans sa kanilang love team? 


Magaling na aktor si Will at sisikat naman siya nang husto kahit walang ka-love team. 

Mas magiging bentahe sa aktor kung magiging solo artist na lang at hindi dedepende sa kanyang ka-love team. Higit pang lalawak ang kanyang oportunidad sa showbiz.



Ex mo, Pancho, super hot! 

MAX, PARANG WALANG ANAK KUNG MAKAPAGSUOT NG SEXY BIKINI



MARAMING kalalakihan ang napa-wow sa super sexy at super daring na hitsura ni Max Collins sa teaser ng bagong serye nila ni Dingdong Dantes, ang Master Cutter (MC)


Mala-Marimar ang dating nito, pero mas daring si Max sa kanyang bikini outfit. 

Ibang level ang taglay na kaseksihan ni Max dahil umaapaw ang sex appeal niya. Hindi mo iisipin na mommy na siya dahil naalagaan niya ang kanyang sarili. 


Tiyak na maraming kalalakihan ang magpaparamdam ngayon sa aktres.

Well, ano naman kaya ang reaction dito ng ex-husband niyang si Pancho Magno? Hindi kaya siya nanghihinayang na pinakawalan niya si Max Collins.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page