Wala raw bet sa mga kapwa Kapuso? ALDEN, PURO KAPAMILYA ANG LEADING LADIES
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 19, 2026

Photo: IG _aldenrichards02
Iniintriga ng kanyang mga bashers si Alden Richards dahil bakit puro Kapamilya actresses daw ang nakakapareha sa mga projects niya lately. Wala raw bang Kapuso actress na puwede niyang makapareha?
Binanggit ng basher sina Julia Montes at Kathryn Bernardo na naging leading ladies ni Alden na pawang Kapamilya. Binanggit din si Sharon Cuneta na nakasama rin ng aktor sa isang pelikula.
Nabalita ring magtatambal sila ni Julia Barretto sa isa pang film project at ngayon, si Nadine Lustre ang leading lady ni Alden sa Love, Siargao (LS).
Sinagot ang basher ng fan ni Alden sa pagsasabing hindi ito ang pumipili ng kanyang makakapareha, kundi ang producer. Sa kaso ni Julia, hindi na raw ito Kapamilya dahil ang Viva Artists Agency na ang may hawak sa kanya. Same with Nadine, gumawa lang siya ng series sa ABS-CBN pero VAA artist siya.
Tanong pa ng fan ni Alden, bakit pinoproblema ng basher ang mga nakakapareha ng aktor? Bakit hindi na lang siya mag-focus sa career ng kung sinuman ang idolo niya?
As for Alden Richards, matagal na siyang dedma sa mga bashers at tanggap niya na may mga ayaw sa kanya. Kaya sa mga may gusto at nagmamahal sa kanya ang atensiyon at pasasalamat niya.
Busy din siya sa dami at sunud-sunod na ganap sa kanyang buhay at career, considering na first month pa lang ng 2026.
Bukas, January 20, ang grand opening ng second McDonald’s store ni Alden sa Sta. Rosa, Laguna. Nag-imbita ito hindi lang ng kanyang mga fans. May mga kilala kaming mga fans ng aktor na gabi pa lang ng January 19 ay nasa venue na para maabutan ang 7 AM opening. Sa mga loyal fans niya ang focus ni Alden Richards at hindi sa mga bashers.
Pagaling na raw…
KRIS, NAKAKATAYO NA
IKINATUWA ng mga nagmamahal kay Kris Aquino at mga nagdarasal para sa kanyang paggaling ang makita itong tumayo nang puntahan ng hair and makeup artist na si Jonathan Velasco sa hospital room niya para gupitan.
Madalang daw makita ng mga supporters ni Kris na nakatayo siya at hindi nakahiga sa kama. Much more, naka-smile pa si Kris habang ginugupitan.
Tingin din ng mga fans, nadagdagan ang timbang nito at ang tuluyan nitong paggaling ang patuloy nilang ipinagdarasal.
Sabi ni Jonathan, “New hair, same brave spirit. Madam @krisaquino is on the mend. Please continue to keep her in your thoughts and prayers as she gets stronger every day.”
Sagot ni Kris sa caption ni Jonathan, “I am literally so grateful to be breathing,” at ang reaksiyon ng mga nagmamahal sa kanya ay magpagaling siya at sila ang bahalang magdasal.
Touching ang comment ng isang netizen na ang birthday wish niya ay ang paggaling ni Kris at hindi para sa sarili. May mga nagpahayag din ng pagmamahal kay Kris at sinabing hindi nila ito iiwan hanggang sa kanyang paggaling.
Patunay na marami ang nagmamahal kay Kris Aquino, may 2.2 million views na ang reels video ni Jonathan mula nang ma-post.
PARE-PAREHONG sumama sa 2026 Sinulog Parade sina Barbie Forteza, Jak Roberto at David Licauco. Hindi nga lang sila nagkita-kita dahil magkakaiba ang float na kanilang sinakyan.
Si Barbie ay nasa McDonald’s float. Si Jak naman ay kasama sa Wheeltek at Kawasaki float sina Paulo Avelino, Gab Valenciano, Jet Lee at Dominic Roque. Si David naman ay kasama si Jillian Ward sa float ng GMA-7 series nilang Never Say Die (NSD).
Ang mga fans lang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang masaya dahil magkasama sila sa float ng Bioderm. May mga nagulat pa nga na magkasama ang dalawa dahil naniwala sila sa tsika na may marital problem ang Dantes couple.
Disappointed ang mga Marites na makitang magkasama at masaya ang mag-asawa.
Mabuti na lang at sanay na sila sa yearly tsismis na may problema ang kanilang pagsasama. Heto nga’t iniintriga na naman si Dingdong dahil leading lady niya si Max Collins sa Master Cutter (MC). Nasira lang ang narrative ng mga Marites dahil close friends sina Marian at Max Collins. In fact, ini-like ni Marian ang mga reels video ni Max na nagsasayaw habang nasa beach sa taping nila ni Dingdong ng kanilang series.








Comments