top of page

Naghihintayan after taping… KIM, SCREENSAVER SA CELLPHONE NI PAULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2024
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary| July 5, 2024



Showbiz News

May post si Paulo Avelino sa kanyang Instagram page na sampung larawan kasama ang cute pic nila ni Kim Chiu sa kanyang June photo dump.


Ang ten pictures ay ang city scenery kung saan sila nag-show ni Kim.

Ishinare rin ng aktor ang kanyang solo photos, pero ang talagang kinakiligan ay ang photo kung saan magkasama sila ni Kim na nasa loob ng elevator. 

Komento ng mga netizens: 


“WALA NA ENDGAME NA! IHANDA NA ANG MGA LETCHON!!!” 


“It's always the last picture of our KimPau (Kim at Paulo).” 


“I CANNOT! KAYA N’YO PA BA????”


Kamakailan lang ay viral ang KimPau about their “hintayan” moments sa isang interview. 


Nag-circulate kasi sa social media na pagkatapos nilang mag-taping ay naghihintayan ang dalawa.


Maging ang photo ni Kim na ginawang screensaver ng aktor sa kanyang cellphone ay naging usap-usapan na naging dahilan para siya ay ma-ambush interview.


Nakunan ng video, biglang bitaw… 

SHAINA AT KYLE, HULING MAGKA-HOLDING HANDS


Shaina Magdayao at Kyle Echarri

MINSAN lang kung rumampa si Shaina Magdayao. 

Sa kanyang Instagram page, may post ang aktres ng Pamilya Sagrado kung saan siya ay nasa Singapore. 


Ang post caption ni Shaina habang kalakip ang mga larawan niyang rumarampa suot ang wedding gown, “Upon landing from Singapore, I couldn’t resist this chance. 


“From stepping back to stepping up! Proud of this girl, my Chica who usually sits out of fashion shows but decided to say “YES” this time. 


“Was beyond excited to see her shine on the runway again, and to swing here in a bridal gown is a dream come true to me.”


May nagkomento na tila kamukha ni Anne Hathaway si Shaina, “I just noticed that you have Anne Hathaway feature. Ganda!”


Sey pa ng ibang netizens:


“Ito ang tunay na ganda, walang retoke tulad ng iba.”


“Wow, she looks like an angel. Ang ganda n’ya! I love this wedding gown. Oh God! This is unbelievable.”


“Hopefully sa next post ay tunay na kasal na talaga.”


“Groom na lang kulang.” 


“Eto po @kyleecharri sweet sila hinahatid pa ‘yan naka-holding hands sila tapos dala-dala ni

Kyle bag ni Shaina, nakita may nag-video sabay tanggal.”


“Taray, nag-heart si Papa P (Piolo Pascual).”



NAGPALIWANAG si Jessy Mendiola kung bakit ang tagal niyang namahinga sa showbiz dahil kamakailan ay viral ang pagbabalik niya sa Kapamilya Network. Sabay silang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ng asawang si Luis Manzano. 


Sa latest post niya sa kanyang Instagram account, aniya, “Finally, after 5 years, I still can’t believe it, I’m back with Star Magic and ABS-CBN family. 


“I took a long break to heal and focus on my family. I’ve experienced many highs and lows in showbiz. Now after a very long time, I can finally say that I’m ready to explore and continue my journey in this industry. 


“Aaminin ko, maraming hesitations and doubts, dahil alam kong bubuksan ko ulit ‘yung buhay ko sa lahat. Marami mang iba’t ibang opinyon tungkol sa ‘kin, ayos lang dahil alam kong mas maraming nagmamahal sa ‘kin.”


Pinasalamatan niya ang Star Magic family, @direklauren at @alan_m_real, “Thank you for accepting me again with open arms. To my ABS-CBN family, Tita Cory, Sir Carlo and Sir Mark,

I’m grateful for this opportunity, maraming-maraming salamat po sa tiwala.”


Higit sa lahat, pinasalamatan niya ang husband niyang si Luis Manzano na very supportive at nag-push sa kanya na ipagpatuloy niya muli ang kanyang dreams. 


Sey ni Jessy Mendiola, “Lord maraming salamat sa oportunidad na ‘to. I'm truly blessed to be able to create a beautiful family and pursue my career goals again. The best part? I get to do both with a happy heart. My heart is full!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page