Nagbago na raw mula nang magkaanak… MARIAN, AMINADONG NAGING MABUTING TAO DAHIL KAY DINGDONG

ni Vinia VIvar @Frankly | November 8, 2026

Photo: IG _dongdantes
Aminado ang Kapuso actress na si Marian Rivera na noong bata-bata pa ay mapusok siya at maraming ginagawa na hindi muna niya pinag-iisipang mabuti. Pero simula raw nang magkaroon siya ng anak ay nagbago na siya.
“‘Pag ikinukuwento ko sa mga anak ko ‘pag nakikita ko, ‘Alam mo si Mama, ganyan ako dati. Naku, ‘wag, isip ka muna bago talak,’” pag-amin ng aktres sa podcast vlog na Ang Walang Kwentang Channel (AWKP) nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac.
“‘Yung tira nang tira na ‘di mo man lang iniisip ‘yung consequence kasi wala, eh, mapusok ka, kabataan mo nu’n, eh,” dagdag niya.
Ang mister daw niyang si Dingdong Dantes ang isa rin sa mga dahilan kung bakit unti-unti siyang nagbago. Ang aktor daw ang mentor niya simula pa noon na lagi siyang sinasabihan na i-analyze muna ang lahat at huwag parating pairalin ang emosyon.
“S’ya ‘yung mentor ko palagi sa ganyan pero ‘di ko s’ya sinusunod,” sey ni Marian.
“‘Pag sinabihan n’ya ako na ganu’n, tapos in the end, ako ‘yung iiyak-iyak, tapos nand’yan s’ya to comfort me.
“So, hanggang sa natuto ako dahil ang dami n’yang naituro sa ‘kin. Na alam mo ‘yun, para mas maging maayos kang tao, kung ano ‘yung kailangan mong i-control para sa sarili mo.
“So, s’ya lahat ang nagturo sa ‘kin nu’n,” tsika ni Yan.
Si Dingdong din daw ang nagpakita na maraming nagmamahal sa kanya sa panahong inaaway siya at sinisiraan ng ibang tao.
Aktor, napanaginipang kinekeme siya..
JUBY NG BABY DOLLS, NATAUHAN DAHIL KAY DONNY
OKAY na ang lahat sa pagitan ni Donny Pangilinan at ng Baby Dolls member na si Juby Sabino.
Ayon sa dancer/singer sa guesting ng girl group sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), nagkausap na raw ang management nila at naayos na ang lahat.
Sinabi rin ni Juby na malaki ang naging epekto sa kanya ng issue at naging aral ito sa kanya.
“I would say na it hit me on my rock bottom, Tito Boy. Parang ang dami kong realization. And since kaka-start lang namin, I would consider that as learning experience ko po and namin,” aniya.
Dagdag pa niya, “And now that we have this platform po, siguro po magiging extra careful po ako and kami.”
Matatandaang naging kontrobersiyal ang sinabi ni Juby sa guesting ng Baby Dolls sa Gandang Gabi Vice (GGV) kamakailan na napanaginipan niyang “kinekeme” siya ni Donny.
Hindi nagustuhan ng mga fans ng aktor ang tila malisyoso niyang kuwento kaya naman katakut-takot na pamba-bash ang natanggap niya.
NAG-IISANG Filipino film at animated entry ang pelikula ng Kapuso actress na si Bianca Umali na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko sa Asian Next Wave Competition ng 2026 QCinema International Film Festival.
Si Bianca ang boses sa likod ng karakter na si Ella sa nasabing animated feature ng GMA Pictures na hango sa sikat na comic book series ni Julius Villanueva.
Una nang inianunsiyo na ang Ella Arcangel ang opening film sa naturang international film festival na gaganapin ngayong November 13 to 22. Kuwento ito ni Ella, isang batang mambabarang na nakikipagsapalaran sa mundong puno ng misteryo, panganib, at labanan.
Grateful si Bianca na maging boses sa likod ng karakter ni Ella.
“Isang karangalan po ang mapabilang sa ganitong festival at makasama ang mga taong para po sa sining ng pelikula ng ating minamahal na bansa,” wika ng Sparkle actress na itinuturing ang Ella Arcangel na isang ‘project made by heart’.
Ang nasabing animated film ay ginawaran ng P1.5-milyong QCinema Project Market (QPM) Philippines Co-Production Grant noong 2023.





Comments