Nagbago na ang aura… KRIS, UMOOKEY NA DAHIL SA INDIAN DOCTOR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 10, 2024

Good news para sa mga fans at kaibigan ni Kris Aquino ang latest update sa kanyang kalagayan ngayon. Maganda raw ang result sa kanya ng panggagamot ng isang magaling na Indian doctor.
Espesyalista raw ito sa mga rare na disease at balitang-balita na marami nang napagaling ang Indian doctor na tumitingin ngayon kay Kris.
Ang mga pasyente nito ay mga mayayaman na mula pa sa iba’t ibang bansa, kaya naman nabuhayan ng loob ang mga taong patuloy na nagdarasal sa recovery ng Queen of All Media.
Well, base sa hitsura ngayon ni Kris sa mga latest post niya ay nagbago nga ang kanyang aura. Kaya malaki ang pag-asang mapapagaling siya ng Indian doctor. Lahat ay gagawin at susubukan niya upang gumaling sa kanyang sakit.
HINDI malilimutan ni KC Concepcion ang kanyang 18th birthday kung saan nakatanggap siya ng isang very special gift mula sa kanyang Papa Gabby Concepcion. Nine years old siya nang huli niyang makita noon ang kanyang ama nang maghiwalay ito at ang kanyang mama na si Sharon Cuneta.
Sa mga sumunod na taon ay hindi na sila nagkita ng kanyang Papa Gabby pero noong siya ay magse-celebrate ng kanyang 18th birthday, may dumating na surprise birthday gift para sa kanya.
Sabi ng naghatid ay galing daw ito sa kanyang ama. After nine years ay hindi nakalimutan ng kanyang papa na batiin siya sa kanyang debut at special ang birthday gift nito dahil isa itong Tiffany gold necklace. Kaya ganu’n na lang ang pag-iingat ni KC Concepcion sa regalong bigay ng kanyang Papa Gabby.
SA interview ni Korina Sanchez kay William Martinez, inamin niya na bukod kay Maricel Soriano ay nanligaw din siya noon kay Jackielou Blanco.
Pero napilitan siyang tumigil sa panliligaw dahil sobrang seloso ang mga fans ni Maricel, hina-harass at inaaway si Jackielou at umabot pa sa binabato nila ito ng pako.
Ganu’n ka-possessive ang mga fans and supporters ng love team nila ni Maricel Soriano.
BLESSING in disguise ang FAMAS incident na nangyari sa veteran actress na si Eva Darren dahil nag-viral ito sa social media at marami ang nakisimpatya sa kanya. Muli siyang napansin at nabigyan ng importansiya. Maraming offers na TV guestings kay Eva. Isa na rito ang pagge-guest niya sa Family Feud.
At may offer din na movie sa kanya. Dahil kay Eva Darren, may ilang award-giving bodies ang nagsasabing panahon na upang bigyan ng recognition at pagkilala ang mga veteran stars, lalo na’t aktibo pa rin sa showbiz.
Pinatunayan ng mga veteran stars ang kanilang husay sa pag-arte sa ilang dekada nila sa showbiz. Taglay pa rin nila ang kanilang staying power at pagiging professional sa trabaho.
Deserve nila ang respeto ng kapwa artista lalo na ng mga kabataan.
Masaklap lang minsan na hindi natutumbasan ng tamang talent fee at binabalewala sila sa billing ng pelikula.
Ngayon ay na-realize ng ilang award-giving bodies na nararapat na pahalagahan ang mga veteran stars.
Ito ang balak ding gawin ng Actors Guild of the Phils..





Comments