top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagbabangayan ang mga pulitiko, lumulubog ang ekonomiya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | July 13, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nilamon ang espasyo ng mainstream at social media ng mga ulat pampulitika.

Hindi naaasikaso ang bumabagsak na ekonomiya—at ang banta ng modernong pandemya—Artificial Intelligence!


-----$$$--


Pinananiniwalaang maiiwanan ang proseso ng gobyerno ng modernong AI na yinayakap ng buong mundo.

Sa Pilipinas, kailangan ang mga kabataang ganap na nakakaunawa ng inobasyon at teknolohiya.


----$$$--


Sa ngayon, abala ang lahat sa pagsubaybay sa impeachment trial na pinamumunuan ni Sen. Chiz Escudero.

Mainam naman at nagpaubaya si Senate President Win Gatchalian.


-----$$$--


Aprubado naman sa mga eksperto ang pag-akto bilang presiding officer ni Escudero.

Nakapagtatakang aminado si Gatchalian na kapos siya ng kakayahan, pero bakit hindi na rin ipaubaya kay Escudero ang pagiging senate president?


-----$$$--


Nagmumukhang katawa-tawa sa mata ng daigdig si Gatchalian. Pero dahil isang collegial body ang Senado–ang buong institusyon ang biktima ng komedya!

Sa mata ng mundo, ang kabuuan ng Republika ng Pilipinas ang pokus ng katatawanan!


-----$$$--


May mga nagtanong kung handa ba si Escudero?

Matapos ang unang linggo, sunud-sunod ang mga legal na argumento, procedural objections, at constitutional issues na inihain ng prosecution at defense. 

Gayunman, naging maayos at organisado ang pag-usad ng mga pagdinig sa ilalim ng pagtimon ni Escudero.


-----$$$--


AYON kay UP College of Law Associate Dean Atty. Paolo Tamase, mahalaga ang legal background ng presiding officer dahil ang impeachment ay isang legal na proseso.

Maging si constitutional law professor Tony La Viña ay umaming nabago ang kanyang pananaw matapos masubaybayan ang proceedings. 


-----$$$--


SINABI ng writer at cultural critic Katrina Stuart Santiago, naging malaking bentahe rin ang karanasan ni Escudero.

Pinuri ni Lead House Prosecutor Gerville Luistro ang pagiging handa at masipag ni Escudero.


-----$$$--


INAMIN naman ni defense spokesperson Atty. Michael Poa na naging "smooth" ang naging takbo ng impeachment trial. 

Nagbigay rin ng mataas na marka si dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna.


-----$$$--


SA gitna ng magandang performance ng impeachment court, dapat ay magpokus ang Senado sa mga batas na may kaugnayan sa pagyakap sa proseso ng “AI”.

Halos isang iglap na sinasakop at nilalambungan ng AI ang pribado at publiko sektor.


----$$$--


MAY kakayahan ba si Gatchalian na makipagsabayan sa pananalasa at impluwensiya ng AI sa kabuuan ng ating lipunan?

Nagpa-panic ang buong mundo, ang Pilipinas—kukuya-kuyakoy pa rin sa panonood ng mga propaganda at kontra-propaganda ng mga pulitikong pulpol.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page