top of page
Search
  • BULGAR

Nag-vlog para makabawi… LUIS, PINAGKAKITAAN ANG KASAL NILA NI JESSY

ni Beth Gelena @Bulgary | February 28, 2024





Dalawang beses palang ikinasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Palawan on the same date. 


Ibinahagi ni Luis ang ilang kaganapan sa kanilang kasal sa pamamagitan ng kanyang vlog.


Nagbiro pa nga siyang kaya nag-vlog kahit kasal niya, para may pambawi raw sa laki ng kanilang ginastos. 


Nabanggit din niyang dalawang beses naganap ang kanilang kasal — isang ceremony sa simbahan at isa naman sa beach. 


Ibinahagi rin ng TV host ang same day edit video na ginawa naman ng Bob Nicolas Wedding Films. 


Inunahan na umano nila ang mga netizens na magtatanong kung bakit sa beach ang kasal at hindi church wedding. 


Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ng pamilya ni Jessy sa personal ang anak nilang si Baby Rosie o Peanut.



 

Sinabon ng padir na si Cesar… DIEGO, NAHAWAHAN NG SAKIT ANG ANAK




Bidang-bida ni Diego Loyzaga ang pagiging lolo ng amang si Cesar Montano sa kanyang anak na si Baby Hailey. 


Kuwento ng aktor, nakita raw niya ang ama kung gaano nito kamahal ang apo. 


Sobra raw nag-alala si Cesar nang malaman na may sakit ang kanyang apo lalo na nang malaman na sa kanya (Diego) ito nahawa. 


Guest ni Ogie Diaz si Diego kamakailan sa kanyang YouTube Channel. Dapat daw ay magkikita sila ng amang si Cesar, pero hindi natuloy dahil nagkasakit ang kanyang anak. 

"Sobrang mahal na mahal niya si Hailey. Ang usapan namin, yesterday, Sunday, magtse-church kami, eh. I came down with a sickness, pati si Hailey. 


"Sabi niya, 'Hindi ka ba nag-iisip na may sakit ka? Pinuntahan mo 'yung anak mo?' He said, 'Awang-awa ako sa baby.' Parang ako, 'Dad, sa akin hindi ka naaawa?'" natatawang salaysay ni Diego.


Si Hailey ang anak ni Diego kay Alexis Suapengco na isang ad model at yoga instructor. 

"It's cute naman... More than anything, hindi ko naman naramdaman na parang pinagalitan niya ako. Parang na-cute-an lang ako sa kanya na ganu'n siya mag-isip," ayon pa kay Diego.



 

Kaya sa Tate na gustong tumira… DENNIS AT JENNYLYN, AYAW NANG PINAKIKIALAMAN




February last year pa nang ibinida ni Jennylyn Mercado na nakabili na sila ng bahay sa Amerika. 


Ang plano pala nila ng asawang si Dennis Trillo ay doon manirahan kapag pareho na silang nagretiro sa showbiz kasama ang tatlong anak. 


Nakunan ng panayam sa podcast ng GMA Pinoy TV ang celebrity couple. 


Ani ng Kapuso actress, “Investment siya pero kasama ‘yun sa backup plan.”


Esplika pa niya, “'Pag ayaw na namin sa Philippines, gusto na naming mag-retire sa ibang bansa, at least, meron kaming matitirhan out of the country.”


Dugtong naman ng kanyang mister, “Doon kasi, walang pakialamanan ‘yung mga tao, ‘di ba? Kahit saan ka pumunta, normal.”


“Sarap din ng feeling na kahit ano, puwede mong gawin, kahit tumambling ka sa kalsada, ‘yung mga ganu’n. Puwede mong gawin lahat ng gusto mo nang walang makakapansin sa ‘yo, walang magpo-post sa ‘yo sa social media, mas may freedom,” pakli naman ng misis ni Dennis. 


Ang lokasyon ng nasabing bahay ay nasa Summerlin Residential Community sa Las Vegas Valley, Southern Nevada.


Makikita raw doon ang view ng sikat na Red Rock Canyon.


Mula nang ikinasal sina Dennis at Jen ay naging low key na ang mag-asawa. 


Ani ng aktor, “Habang tumatanda kasi, gusto mo laging peaceful na lang. Ayaw mo na ng controversies.”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page