top of page
Search
BULGAR

Nag-unfollow na sa isa’t isa sa IG… MAYMAY AT FOREIGNER BF, HIWALAY NA RIN

ni Julie Bonifacio @Winner | March 2, 2024





Hiwalay na rin si Maymay Entrata sa foreigner boyfriend niyang si Aaron Haskell. ‘Yan ang bagong hiwalayan na pinag-uusapan sa social media kahapon.


Nabuking kasi na nag-unfollow na sa isa’t sina Maymay at Aaron sa Instagram.


Dahil d’yan, mabilis na hinusgahan ng mga netizens na nag-break na ang dalawa.


“As expected.. jeje nu’ng isa.” 


“Wooaahh, another hiwalayan sa 2024.” 


“Walang sparks sa kanila, ok lang ‘yan.”


May nagsasabi na cultural differences ang maaaring naging dahilan ng breakup nina Maymay at Aaron.


“Actually, it’s more on cultural/ethnic differences + language barrier + kabataan (immaturity), or maybe age gap (the guy seems way older), + LDR kaya it ended. With that formula, a relationship ends more often than not. Not a surprise.”


Sarcastic naman ang ibang netizens sa paghihiwalay ng dalawa. 


“Honestly, may nag-expect ba talaga na sila ang magkakatuluyan?”


“Hahahahahahaha! Tapos na ang palabas.”


“Hehe, praktis lang daw. Para kasali sa hiwalayan listahan.”


Ang tsika pa ng iba, matagal nang hiwalay si Maymay at ang BF niya.


Komento ng mga netizens, “Matagal na silang hiwalay, auntie.” 


“Nauna pa po ‘to sa KathNiel, ‘di lang nai-broadcast kasi kasagsagan ‘yun ng kasikatan ni Maymay.”


“Honestly, may nag-expect ba talaga na sila ang magkakatuluyan?”

Ang cruel, huh?!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page