Nag-taping na uli… JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 13, 2026

Photo: IG _montesjulia08
Siguro naman ay wala nang kokontra sa balik-tambalan nina Coco Martin at Julia Montes dahil noong Monday night sa TV Patrol ay nakunan na ang unang eksena ng showbiz couple sa Sigabo.
Matitigil na rin ang tsismis na buntis si Julia kaya raw hindi na matutuloy ang serye.
Well, ‘yan ay para lang may ma-content ang mga walang magawang vloggers na hindi kumikita. Hahaha!
Matapos ang ilang linggong pahinga at production hiatus, opisyal nang nagbalik-taping ang inaabangang romantic action-comedy series na Sigabo, ang pinakabagong proyekto mula sa ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment at CCM Film Productions.
Kinumpirma mismo ng lead star at director na si Coco Martin ang pagbabalik-produksiyon ng serye sa pamamagitan ng ilang behind-the-scenes updates na ibinahagi niya sa social media.
Naglabas din ng updates ang ilang production staff na nagpapakitang muling naging abala ang set matapos ang matagal na paghahanda.
May joke comment na, “Isama r’yan si Bato (Sen. Bato dela Rosa), mabilis sa takbuhan, eh.”
‘Kaaliw! Hahaha!
Sweet at nakaka-good vibes ang birthday greetings ni Jolina Magdangal para sa kanyang BFF na si Judy Ann Santos.
Isang nostalgic throwback photo ang ibinahagi ni Jolens sa social media nitong Mayo 11, kung saan magkayakap at parehong nakangiti ang dalawa habang nakasuot ng matchy-matchy red outfit na agad namang kinatuwaan ng kanilang mga fans na humanga sa matagal nang pagkakaibigan ng dalawang aktres.
Kalakip ng larawan ang makulit ngunit sweet na caption ni Jolina: “Happy happy birthday, Mareng Jujuju-JUDAY! Love you! Bagong-bago ang picture na ‘to! Mag-shiny red lipstick nga tayo minsan.”
Marami ang natuwa sa kanilang throwback moment at muling naalala ang matibay na samahan nina Jolina Magdangal at Judy Ann Santos na parehong naging malaking bahagi ng industriya sa loob ng maraming taon.
Tumangging sumagot si Jennylyn Mercado nang tanungin tungkol sa dating karelasyon na si Patrick Garcia at sa halip ay ikinuwento niya ang interes ni Jazz na anak nila ng aktor sa musika.
“Nahihirapan s’yang magsalita. Pero ‘pag may music, mas alerto s’ya... ang focus n’ya, nandu’n. ‘Pag ano s’ya, mahilig s’yang makinig. Tapos, magha-hum s’ya. Ang galing ng tono ‘pag hina-hum n’ya,” pagmamalaki ng celebrity mom.
Ibinahagi rin ng Kapuso actress na si Jazz ay talagang isang mabuting bata at tinutulungan siya nito sa mga gawaing-bahay.
Samantala, si Jennylyn na rin ang kinikilalang second mom ng anak ni Dennis Trillo kay Carlene Aguilar na si Calix, na labis na pinasasalamatan ng former beauty queen dahil sa presensiya ni Jennylyn sa buhay ng kanyang anak.
Ibinahagi ni Jennylyn na magkaibigan sila ni Carlene.
Aniya, “May komunikasyon kami. Paminsan-minsan ay nagme-message kami.”
Mabuti na lang at may dalawang ina si Calix at dalawang ama naman si Jazz. Si Dennis din kasi ang nag-aalaga sa anak nila ni Patrick na si Jazz.
“Si Jazz naman, dalawa ‘yung daddy n’ya. So, nakakatuwa na pareho silang naalagaan at tini-treat din ni Dennis si Jazz na talagang sa kanya galing,” pakli ng Kapuso actress.





Comments