Nag-swab test ng sarili… SEC. DUQUE: ROBIN, 'WAG GAYAHIN!
ni Julie Bonifacio - @Winner | May 28, 2021

Kinontra ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang ginawang self-swabbing ni Robin Padilla. Mariin pa niyang sinabi na 'di dapat ginagawa ang pagkuha ng sariling swab test.
“Hindi puwedeng sariling gawin ‘yan dahil ang resulta ay magiging kuwestiyonable dahil kung hindi ito naaayon sa tamang pamantayan ay kaduda-duda ang magiging resulta,” pahayag ni Sec. Duque sa ginanap na media briefing kahapon.
Maaari rin daw magbigay ng inaccurate test result ang self-collected swab samples dahil may mga protocols and standards that are being followed in conducting swab tests.
“Hindi dapat ginagawa 'yan," reaksiyon pa ni Duque sa kumalat na video ni Robin sa socmed kamakailan.
Bago pa man nag-react si Sec. Duque sa video ni Robin kung saan mapapanood na mismong ang aktor ang nagko-collect ng sariling swab sample sa kanyang ilong, marami na ang nagpahayag ng kanilang opinyon na hindi safe at 'di recommended sa non-health professionals ang magsagawa nito.
Katwiran naman ni Robin, knows na raw niya kung paano gawin ang swab test on his own dahil ginagawa niya ito three times a week.
Dahil sa naging pahayag ni Sec. Duque, inulan ng batikos si Robin mula sa mga netizens.
“'Yung pasikat ka lang pero 'di nag-iisip."
“Tsk-tsk! Lakas-tama talaga.”
“Sana, itinodo ang pagpasok hanggang sa brain, baka kasi 'andu'n ang virus.”
“Stupid act!...Kung dito pa 'yan sa ibang bansa, nadampot na ng police 'yan…”
“Proof na basta DDS ay BOBO.”





Comments