top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nag-stay daw sa room ni Ellen sa taping… LONG KAY DEREK: WALA KANG KAHIHIYAN!

BULGAR
Aug 6, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 06, 2021



In fairness kay Long Mejia, hindi natakot i-call out sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa para sa kanya ay maling ikinilos sa taping ng TV5’s John en Ellen. Maraming sinabi si Long kay Ellen at hindi rin nakaligtas sa kanya si Derek.


Mag-focus tayo sa mga pahayag ni Long sa interview sa kanya ng PEP patungkol kay Derek dahil sinagot na ni Ellen ang mga akusasyon sa pagwo-walkout niya sa taping.

Na-witness daw ni Derek ang pagwo-walkout ni Ellen dahil nasa locked-in taping siya, pero hindi nito pinigilan ang fiancée.


“Ang masakit, kaibigan pa ni John Estrada si Derek Ramsay. Itong si Derek, kung makakausap ko ito, kung alam niya ang pagiging propesyonal, sinabihan niya dapat si Ellen ng 'Huwag ka munang umalis. Tapusin mo ‘yan nang maayos.'"


May dagdag pa si Long, “Tapos, ang mabigat diyan kay Derek Ramsay, du'n nakatuloy sa kuwarto ni Ellen. Eh, production ang nagbabayad nu'n. Nandoon sila, nandoon ‘yung Derek Ramsay.”


Heto pa, “Kasi ang dapat, kung may kahihiyan ka, bakit ka doon tutuloy sa kuwarto na tinutuluyan namin?


“Kumuha ka ng ibang kuwarto mo, lumayo ka. Eh, hindi, nandoon ka, hindi ka bumababa. Tapos, patingin-tingin ka?


“O, di ang nagbabayad ng kuwarto mo, ang production, dahil ‘yun ang tinuluyan ni Ellen Adarna.”


May sinabi pa si Long na dapat, inihihiwalay ng dalawa ang pag-ibig sa trabaho. Mali raw na aalis (si Ellen) nang walang paalam at hindi man lang pinigilan ni Derek.


O, 'di ba, may controversy na naman ang engaged couple? Kung kailan malapit na silang ikasal, saka nagkakaisyu tungkol sa kanilang pagiging artista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page