Nag-solo na ng bahay… ANDREA, HINAYAAN NA NG MADIR SA PAG-IBIG DAHIL SAKIT SA ULO
- BULGAR

- 56 minutes ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 19, 2026

Photo: IG @blythe
Isang buwang puro sabaw lang ang hinigop ni Andrea ‘Blythe’ Brillantes dahil sa ipinalagay niyang piercing sa dila niya para sa pelikulang ginawa na ipapalabas sa ibang bansa.
Napansin ni Karen Davila na may piercing sa dila si Andrea nang makapanayam niya ito at sinabihang empowered and liberal young woman ito.
“Why did you do that?” tanong ni Karen.
“Actually, it was for a role. Meron po akong movie na ‘to ‘yung pinakaseryoso at pinressure ko talaga ang sarili ko na seryosohin kasi may pagka-dark (istorya) ‘yung role ko at in-isolate ko pa ‘yung sarili ko for this and everything, at kailangan, may certain look.
“Kaya sabi ko lang, para mas maging hardcore, sabi ko sa direktor, ‘Gusto mo, magpa-pierce ako? Eh, tara, gagawin ko ‘yun after ng meeting na ‘to.’ Kaya after ng pitch, nagpa-pierce agad ako at ikini-keep ko lang kasi grabe ‘yung pinagdaanan ko at sayang lang naman kasi ‘yung one month, two months na healing ko na ‘di ako nakakain, puro lang ako sabaw, so kineep ko na kasi sayang at paano kung gustuhin ko na rin?” kuwento ni Blythe.
Isa pang natanong ni Karen ay kung ano’ng nagpapayag kay Andrea na mag-pose nang sexy bilang Calendar Girl ng isang liquor brand gayung kabaligtaran ito sa naaalala sa kanya ng lahat sa seryeng Annaliza noong 2013 kung saan inosente ang role niya.
Ano ang gusto niyang i-prove bilang aktres?
“I feel like it’s not right for people to assume na everytime a woman dresses up in a certain way o ‘pag revealing, people will always ask questions, ‘What are you trying to prove?’ I don’t think people ask the same question to men.
“‘Pag babae, ang dami nilang (netizens) sinasabi. Ako, wala po akong itina-try i-prove. ‘Di ko ginawa para basagin ‘yung image na Annaliza. I just did it because simply I can and I want to,” katwiran ni Andrea.
Naikuwento rin ng dalaga na may napanood siyang payo mula sa babaeng senior citizen na edad 60 na gawin lahat ng younger generations o early 20s na magsuot sila ng bikini at mag-pose nang mag-pose dahil ang katawan ng babae ay nagbabago kapag nabuntis, nag-menopause, atbp..
Kaya para kay Andrea, “Ipo-flaunt ko ‘to (katawan ko). I didn’t do it because of this and that. Ginawa ko kasi kaya ko and I want to. Nag-sexy calendar ako kasi sexy ako!”
Nakabukod na si Andrea sa pamilya niya pero every week naman ay nagkikita sila ng nanay niya at araw-araw na nagtatawagan para hingan niya ito ng advice lalo na kapag may mga offers sa kanya.
“Mas may freedom lang ako now at may tiwala naman si Mama at mas hinahayaan ako ni Mama sa (pag-ibig), bahala na raw ako kasi ayaw ni Mama na sumakit ang ulo n’ya.
“Ang natutunan ko kay Mama ay alagaan ko (ang) sarili ko, importante, maayos ako lagi. Kasi sa mundo natin now, people treat you differently ‘pag iba ang ayos mo sa sarili mo,” pagbabalik-tanaw ng aktres.
Well, hindi pa rin nawawala ang mga bashers ng aktres, pero hindi niya pinapansin ang
mga ito dahil may pangarap siya at ayaw niyang magpaapekto.
“‘Di ko hahayaang sirain nila (bashers) o hindi ko makuha ‘yung mga pangarap ko dahil I make mistakes. I don’t think reason ‘yun to stop or quit. May mga gusto ako, eh. May mga kailangan akong bayaran, guys, may mga gusto akong bilhin, may mga gusto akong marating kaya gagawin ko ‘yun kahit i-bash nila ako (todo),” katwiran pa ng dalaga.
Sa kasalukuyan ay maganda ang feedback sa seryeng A Secret in Prague (ASIP) na sina Andrea Brillantes at Enrique Gil ang mga bida at napapanood ito sa TV5 at Netflix.





Comments