Nag-shopping, naka-face mask… KYLIE, ‘DI PA RIN MAILANTAD ANG MUKHA NG BF
- BULGAR
- Apr 2, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Abril 2, 2024

Hindi pa ready si Kylie Padilla na i-face reveal ang kanyang rumored boyfriend dahil hindi pa nakikita ang mukha ng special someone ng aktres kahit magkasama sila.
Ilang beses nang magkasama ang dalawa, pero hindi ipinapakita ng guy ang kanyang mukha. Nakita silang nag-shopping, pero may suot na face mask ang guy.
Nag-travel na sila sa Japan at sa Thailand, puro mukha lang ni Kylie ang nakikita. Heto at bumalik sila sa Japan, pero wala pa ring face reveal kay boyfriend.
Sa video, laging nakatalikod ang guy, may silhouette shot at ipinakita ang suot na sapatos. Tanong ng mga fans, kailan pa magkakaroon ng face reveal ang guy na nagpapasaya kay Kylie ngayon?
Pati na rin ang pangalan nito, gustong malaman at pati ang tattoo shop nito sa Quezon City, gusto ring malaman ng mga netizens. Mabuti pa ang brother ng guy, may face at name reveal na.
Anyway, mapapanood si Kylie sa Sang’gre at nag-taping na ito, kaya muling makikita pati ang husay sa action scenes at stunts.








Comments