Nag-react sa trato ng mga sundalo kay Reina Nasino… BIANCA, TINAWAG NA SAWSAWERA, NAMBARA NG NETIZEN
- BULGAR

- Oct 18, 2020
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 18, 2020

Barado kay Bianca Gonzales ang isang netizen na nagpanggap na tagahanga niya pagkatapos siyang sabihan na mahilig sumawsaw sa isyu.
May ipinost kasi si Bianca na pagkadisgusto niya sa pagtrato ng mga militar sa aktibistang si Reina Mae Nasino sa libing ng kanyang anak na si Baby River.
"Parang hindi (na)man natin masabing "rest in peace" kay Baby River kasi hanggang huling hantungan, hindi man (lang) nakapagpaalam nang tahimik at payapa ang kanyang ina," tweet ni Bianca kahapon.
Ini-retweet ito ng netizen na diumano'y fan niya, "Alam mo, crush kita, pero turn-off ang pagsawsaw sa issue lalo na trending."
Sagot ni Bianca, "I've been speaking up and "making sawsaw" in issues since the early 2000s so maybe iba 'yung crush na nasa isip mo?"
Actually, hindi lang si Bianca ang nag-react sa treatment na ginawa ng mga militar sa nanay ni Baby River. Maging ang It's Showtime host na nasa Australia at isang certified mom na rin na si Anne Curtis-Heussaff ay nag-post din ng news item sa kanyang Twitter account regarding sa heavily-guarded na aktibistang si Reina sa libing ni Baby River.
"Was it really too much to ask to have compassion for a grieving mother," caption ni Anne sa kanyang tweet.
Maging si Karen Davila ay hindi rin napigilang mag-post sa kanyang Twitter account ng labis na pagkadismaya sa malupit na trato ng mga militar kay Reina.
Mensahe ni Karen, "Hindi po siya convicted criminal. Hindi po siya drug trafficker. Aktibista lang po siya. Bakit ganito kalupit... sa kapwa Pilipino pa?! Absolutely heartbreaking."
'Yun na.





Comments