Nag-post ng piktyur ng mga binaha… “THESE ARE THE IMAGES OF BETRAYAL” — KORINA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 2, 2026

Photo: IG _korina
Walang masyadong sinabi si Korina Sanchez sa post niya tungkol sa baha at sa halip, photos ang inilabas niya. She lets the photos speak for themselves.
Sabi lang ni Korina, “Bakit nga ba? Alam na natin ‘yan. Thoughts and prayers for relief to the least blessed of us. These are the images of betrayal.”
Larawan ng mga binahang lugar ang ipinost ni Korina at kita sa mukha ng mga kababayan natin ang hirap na dinanas habang nakalusong sa baha. May mga nakangiti rin naman at may mga nakatawa na nagkukuwentuhan sa bubong ng bahay na binaha.
Ang mga netizens ang sumagot sa tanong ni Korina na “Bakit nga ba?” at hindi magugustuhan ng mga pulitiko at nasa gobyerno ang mga sagot.
MABILIS na nagtapos ang pagko-call out ng composer na si Vehnee Saturno kay Dylan Menor at sa VibePH ng TV5 dahil iba ang pinasalamatan ng aktor.
Hinaing ni Vehnee, “Was able to watch the launching of Sa Aking Puso by Dylan Menor, si Ariel Rivera ang pinasalamatan? Ba’t ganu’n? I’m the COMPOSER of the song! Pakilinaw po, VibePH TV5 and Universal Music. Parang MALI!”
Nakarating sa TV5 ang pagko-call out ni Vehnee, “Wanted to apologize po on behalf of the program. Pasensya na po sa nangyari sa launch ng Sa Aking Puso. This won’t happen again po because we deeply respect all OPM (Original Pinoy Music) musikeros po.”
Sumagot si Vehnee, “Let’s finish the issue about Sa Aking Puso of Dylan Menor. This is the message of Jillmer Dy from TV5.
“Case closed. Salamat po sa lahat who are willing to help uplift OPM.”
On the other hand, pinuri ni Vehnee Saturno si Willie Revillame.
Aniya, “Sa lahat ng singers na nakatrabaho ko, naiiba si Willie Revillame. Every song na kinakanta n’ya na gawa ko or gawa ng iba, lagi n’yang sinasabi ang writers at laging may PASASALAMAT! Sana, tularan ka ng ibang SINGERS.”
And speaking of VibePlus, may balitang mapapanood na rin sa Kapamilya channel, A2Z, at ALLTV ang nasabing musical show ng TV5. Makaka-back-to-back daw nito ang ASAP XP ng Kapamilya channel na ibabalik na sa noontime slot.
Hindi si Heart… ANNE, MAS MAY ‘K’ DAW TAWAGING FASHION ICON
MAY mga kumuwestiyon sa September issue ng Mega magazine na cover sina Anne Curtis, Isabelle Daza, Liz Uy, Georgina Wilson, at Solenn Heussaff. Ang lima ay tinatawag na ‘IT Girl’ ng bansa at dito ay may nagreklamo.
May nag-comment ng “Si Anne lang naman totoong ‘It girl’ d’yan. The rest, dikit at singit lang sa fame n’ya.”
Nabasa ito ni Anne at sinagot ang nag-comment, “We are all successful in our fields po and we all root for each other.”
May comment na nang-aasar, “‘It girls’ na walang maupuan sa fashion week,” na agad sinagot ng isang fan.
Sey nito, “Baka ‘pag nilapagan ka ng resibo, mapahiya kayo? BTW (by the way), si GEORGINA WILSON lang naman ang unang nakaapak sa FASHION WORLD bago ‘yang amo mo.”
Sagot pa ng isa, “Seat? Liz has been there, done that. LOL (laugh out loud), nauna pa kay Heart (Evangelista). Anyway, Anne has always been in the front row since she started attending at kinuha pang ambassador ng isang luxury jewel house. Those seats aren’t made for competition, everyone can co-exist because they are all successful.”
Ang ending, fans ni Heart at fans ng It Girls ang nagsasagutan. Ang paniwala ng fan ni Anne, siya dapat ang tagawing ‘fashion icon’ dahil hatak nito ang luxury brands.
Mabuti na lang, walang isyu kina Anne at Heart at hindi sila dapat na pag-awayin at gawan ng isyu dahil friends sila.





Comments