Nag-post ng crying emoji sa socmed… NETIZENS KAY DOMINIC: PA-CUTE AT PAAWA SA BREAKUP KAY BEA!
- BULGAR
- Feb 9, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 9, 2024

Para ba kay Bea Alonzo kaya nagkomento si Dominic Roque sa reel ng Loving Each Other Again in Another Life ni tylerwayneglass?
Limang araw pa lang ang nakalilipas nang kumalat sa entertainment world na hiwalay na ang engaged couple. No words but tatlong crying face emojis lang ang komento ni Dom.
Pinakinggan namin ang lyrics na sinasabi sa monologue. Very touching ang mensahe nito na at the end, 'yung dalawang characters pa rin ang nagkatuluyan.
Komento naman ng mga netizens sa post ni Dominic…
"Sad generation."
"Luh, oy, 'yung manager ni Bea na may parinig, ano'ng generation?"
"Ngayon, kung anu-ano na sinasabi n'yo sa taong 'yan. Naging crying na, eh, wala naman ginagawa sa 'yo. Lol!"
Pagtatanggol naman ng isa kay Dom, "Wow, napaka-critical mo naman. Going through heartbreak 'yung tao. May not make sense to you but that’s how he copes. Wala naman siyang sinasaktan by posting what he posted."
May nagsabi ring "Puring-puri nila si Dominic noon, ngayon, halos durugin ang pagkatao."
"Ang kalat ng breakup nila."
"Kailan ba tahimik ang breakup ni Bea? Laging may pa-character assassination."
"It was over nu’ng pumunta na si Bea sa Zambales kasi nandu'n ang mga yaw-yaw sa 'yo.
Pagbalik niya galing sa Zambales, isinoli na ang singsing," komento naman ng isa na tipong alam na alam ang nangyari kina Bea at Dom.
Madalas, ang simpatya ng tao sa magkarelasyong naghihiwalay ay nasa babae. Pero nakakaawa rin ang mga lalaki na talagang nagmahal nang tunay at nauwi sa wala.
Dagdag pa ng netizen, "Sobrang pa-cute.”
“'Di ko siya type.”
“Ewan at nagustuhan 'yan ni Bea. She was so desperate for a rebound love affair."
"Nakakalungkot naman ang kinahinatnan ng relasyon nina Bea at Dominic. Pero 'di maiwasang isipin if ginamit lang siya ni Bea to show everyone na happy siya at wagi. Now na pang-forever na ang commitment, hindi na mapanindigan. It's so sad. A real man doesn’t usually play tantrums on social media to send a message that they are actually sad. They keep it to themselves. They avoid drama. Although, it’s ok for Dom to let us know that he is having a rough time. Sorry, ha, pero medyo paawa talaga," komento pa ng isang netizen na 'di pabor sa ginawa ni Dominic.








Comments