Pasabog na raw na mala-bomba… GUMAGAWA, NAGBEBENTA AT NAGDADALA NG MALALAKAS NA PAPUTOK, KASUHAN! — SEN. ROBIN
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 3, 2026

Photo: File / Robin Padilla
“Ano’ng aksyon, aming mga tagaligtas?” ito ang tanong ng aktor na si Sen. Robin Padilla sa kanyang Facebook (FB) page patungkol sa batang nadisgrasya dahil sa isang uri ng paputok noong Bagong Taon.
Saad ni Sen. Robin, “Noong bata ako, kaligayahan ang paputok. Five star na ang pinakamalakas at whistle bomb, pero ngayon bomba na literal ang mga ito. Hindi na ito paputok, pasabog na ito at dapat kasuhan ang mga gumagawa, nagbebenta, at nagdadala nito, lalo ang nagpapasabog nito.
“Ako at ang aking pamilya ay nakikiramay sa pamilya ng 12-anyos na bata na namatay kaagad sa aksidenteng pagsabog ng bomba na ito at sa kasama niyang mas bata na ngayon ay nasa ospital pa at nasa delikadong sitwasyon ang mata.
“Bomba nang maituturing ang mga pasabog na ito para magkaputul-putol ang katawan ng bata. Ano’ng aksyon, aming mga tagaligtas?”
Nakakalungkot ang ganitong pangyayari. Sana ay huwag nang maulit.
Always stay safe, mga Ka-BULGAR!
First time nag-post ang aktres na si Maja Salvador sa kanyang Instagram (IG) ng larawan ng kanyang anak na si Maria.
Sey ni Maja, “To our Maria, posting this one and only photo para ipakita namin sa buong mundo kung gaano kami ka-proud sa pinakamalaking blessing na natanggap namin.
“Pangako ni Mama and Dada na poprotektahan ka namin at ang privacy mo kahit ano’ng mangyari, anak. So when the time comes, may choice ka kung paano mo gustong makilala ng mga tao.
“We love you so much, anak!”
In fairness, super cute ng baby ni Maja Salvador, manang-mana sa ganda ng lahi nila.
SA social media post ng content creator at piloto na si Chezka Carandang, nagbahagi siya ng latest update tungkol sa relasyon nila ng kapwa niya piloto at media influencer na si Claire Inso.
Saad ni Chezka, “Not every connection is meant to last forever, and an ending is not a failure. Sometimes it’s a sign of growth and completion. Sometimes it is a sign of beauty. Sometimes it is a sign of the truest love of all—the willingness to let someone chase the life that’s calling to them.
“After much reflection, I had to put off the engagement and we’ve mutually decided to go our separate ways. We’re grateful for what we shared and kindly ask for privacy as we move forward individually.
“We also want to thank our followers for the support and love you’ve shown us over the past years. It has truly meant so much to us.”
Well, nakakalungkot naman ang hiwalayan nina Chezka at Claire.
Sayang kasi parehong malakas ang followers nila sa social media, kung saan madalas nilang ibinabahagi ang nilalaman ng kanilang relasyon, karera sa aviation, paglalakbay, at mga slice-of-life na video.
Samantala, hindi pa nagpo-post si Claire Inso sa kanyang social media tungkol sa hiwalayan nila ni Chezka Carandang.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments