Pawis na pawis habang kumakanta... ZACK, AMOY-DUGYOT AT PUTOK DAW, TODO-SPRAY NG PABANGO
- BULGAR

- Jan 3
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | January 3, 2026

Photo: IG _zack.tabudlo
Happy birthday, Mareng Janiz at Happy New Year, mga Ka-BULGAR!
Aliw na aliw kami sa latest item on Zack Tabudlo na isa sa mga singers natin na nagpasaya ng New Year countdown celebration.
Naging viral kasi ang singer nang punahin at kantiyawan ito ng isang netizen na ‘amoy-dugyot at putok’ daw dahil sa isang performance nitong tumatagaktak ang pawis.
Matapang naman itong hinarap ng singer, in-acknowledge at simpleng dumepensa na natural at normal sa gaya niyang performer ang pagpawisan while performing.
Kaya nitong napasama siya sa isang New Year countdown, may baon na itong ‘pabango’ at nu’ng pinagpawisan na siya ay in-spray nga niya ito para naman daw may mabangong maamoy ang sinumang lalapit sa kanya. Hahaha!
Isang mabangong Bagong Taon nga para sa ating lahat!
Mukha raw kabaong…
JANUS: WEDDING CAKE NI CARLA, SISIW NA LANG ANG KULANG
UY! Nakakaaliw din kaya ang naging sagot ni Carla Abellana sa comment ni Janus del Prado hinggil sa wedding cake nila ni Dr. Reginald Santos.
Sey kasi ng mga netizens ay mukhang kabaong ang cake at kuda ni Janus, “Sisiw na lang ang kulang (laughing and peace emoji).”
Nakaka-offend o anuman ang nais iparating ni Janus sa kanyang komento sa naturang wedding cake, mukhang hindi naman iyon ininda ng aktres.
Simpleng sagot na masarap at maraming napasaya ang cake nila ng mister. Imbes nga namang sagutin pa ito nang pabalang o negatibo ni Carla, tila ipinagsigawan na lang nitong masaya siya at isa nang complete bride.
Hindi kami sure kung magkaibigan sa totoong buhay sina Carla at Janus, pero malinaw sa mensahe ng mga netizens na between the two, hamak naman daw na mas sikat si Carla, laging napag-uusapan, may relevance ang mga kuda sa showbiz man at politics at maging sa isyu ng mga tubig, kalsada at mga hayop.
Kahit nga ‘yung hindi pag-imbita ng aktres sa kanyang amang si Rey PJ Abellana sa kanyang kasal ay pinag-uusapan pa rin.
‘Yun na!
ELISSE, TODO-DENY NA KABIT AT DAHILAN NG HIWALAYAN NG SHOWBIZ COUPLE
HMMM… Sino kaya ang tinutukoy na showbiz couple na naghiwalay at sinasabing si Elisse Joson umano ang rason?
Sa pagpasok kasi ng 2026 ay naging laman ng balita ang pag-deny ng magandang aktres na isa siyang ‘kabit’ at diumano’y siyang dahilan ng naging hiwalayan ng isang showbiz couple.
Sa dami ng mga naghiwalay na couples last two or three years ago, ayaw na naming problemahin kung sino man sila. Besides, idinenay naman ito ni Elisse.
AY! Sana naman, umabot man lang ng isang bilyong piso kung hindi man malampasan ang mga previous grosses ng Metro Manila Film Festival (MMFF) before.
Sa nakarating sa aming tsika, tila halos hindi pa man lang daw umabot sa kalahating bilyong piso ang total gross ng eight MMFF entries as of December 31?
Kumpara nga raw sa mga previous earnings, mukhang lukewarm ang reception ng audience ngayon sa MMFF.
Mixed ang reactions ng mga moviegoers. May mga nagsasabing hindi naman bumaba ang ticket prices sa mga sinehan. May mga ibang hindi satisfied sa mga entries in terms of quality. Though may mga nagsasabing itong edition this year ang most exciting.
Sa pagbabalik-Manila ng mga nagbakasyon, let’s see kung papalo pa sa takilya ang mga entries dahil until January 7 pa ang showing ng mga ito.
Good luck!




Comments