Kahit bago lang ang relasyon, Kathryn… KAILA, BIGLAANG PAKAKASALAN NI DANIEL DAHIL SA PAGBUBUNTIS
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 3, 2026

Photo: File / FB Kaila Estrada & Kapamilya World
Open na sa kanilang relasyon sina Kaila Estrada at Daniel Padilla. Madalas na rin silang nakikitang magkasama sa iba’t ibang showbiz events.
Wala namang pagtutol sina Janice de Belen at John Estrada sa kanilang relasyon. Maging ang mga fans ng aktor ay tanggap na si Kaila, dahil nakikita nilang masaya si Daniel sa piling ng aktres.
Pero tiyak na ikagugulat ng lahat ang hula ng magaling na psychic at card reader na si Mamu (Gloria Escoto) na posibleng magpakasal ngayong 2026 sina Kaila at Daniel.
Nakikita rin ni Mamu na posibleng mabuntis sa taong ito ang aktres kaya nagdesisyon silang magpakasal.
Well, tiyak na aabangan ng lahat kung magkakatotoo ang hulang ito kina Kaila Estrada at Daniel Padilla.
HINDI namin pinalampas ang panonood ng Bar Boys 2: After School (BB2AS) upang sundan ang journey ng buhay ng mga original na Bar Boys na sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, at ang kanilang mentor na si Judge Hernandez na ginampanan ni Odette Khan.
May ibang characters din na pumasok tulad nina Glaiza de Castro, Will Ashley, Therese Malvar, Sassy Girl, Royce Cabrera, atbp..
Sumentro ang istorya ng BB2AS sa retiradong si Judge Hernandez na nag-iisa na lamang sa care home at may sakit. Nag-volunteer ang mga Bar Boys na salitan sa pagdalaw at pag-aalaga kay Judge Hernandez tuwing libre sila sa trabaho.
As expected, magaling sa kani-kanilang role sina Carlo at Rocco at mahaba ang kanilang mga eksena. Pero ikinagulat namin na nakasabay sa aktingan si Enzo Pineda na matagal na naming hindi napapanood sa telebisyon. Nakasama dati ang aktor sa mga serye ng GMA-7 at mas gumaling pa ngayon sa pag-arte.
Stand-out din si Will Ashley bilang baguhang Law student na hindi nakapasa sa bar exam dahil isa siyang working student.
Agaw-pansin naman si Sassa Gurl na naging Top 3 sa bar exams.
Pasado rin sa pag-arte sina Kean Cipriano at Klarisse de Guzman.
Touching para sa amin ang eksena ni Will kung saan isa-isa niyang kinukuha ang mga tip na iniwan ng mga customers sa resto bilang suporta at tulong sa susunod niyang pagre-review para sa bar exams.
May kani-kanyang backstory ang mga tauhan sa BB2AS na siyang bumuo sa pelikula. Magaling ang direktor na si Kip Oebanda.
Utol, ang lakas makaimpluwensiya…
BUNSO NI TONI, KUHANG-KUHA ANG UGALI NI ALEX
ANG lakas ng impluwensiya ni Alex Gonzaga sa anak ng kanyang Ate Toni na si Baby Polly.
Sa recent family shoot nina Toni Gonzaga, Direk Paul Soriano, at ng mga anak nilang sina Seve at Polly, umiral ang pagiging makulit at comedienne ni Polly. Hindi siya nagseseryoso at panay ang pakuwela. Kopyang-kopya ni Polly ang mga mannerisms ng kanyang Tita Alex. Tiyak na makakasanayan na nito ang kanyang kikay moves.
Walang choice si Toni Gonzaga kung tulad ni Alex ang kanyang bunsong si Polly. At least, may magpapasaya na sa kanilang pamilya.
PROUD na proud si Inah de Belen sa boyfriend niyang si Jake Vargas. Bumilang na ng taon ang kanilang relasyon pero nananatiling matibay ang kanilang pagmamahalan. Simple at tahimik lang ang kanilang buhay at sinusuportahan nila ang pangarap ng isa’t isa.
Mahilig sa musika si Jake Vargas kaya bumuo siya ng sarili niyang banda. Aktibo pa rin ang kanyang career at 15 taon siyang naging bahagi ng sitcom na Pepito Manaloto (PM). Dito niya natagpuan ang kanyang extended family.
Naging tatay at nanay niya sina Michael V. at Manilyn Reynes, habang si Angel Satsumi naman ang gumanap bilang kapatid niyang si Clarissa.
Maraming young actors ang nakasabayan niya na nagpelikula na rin, pero hindi siya na-insecure at nakipagkumpitensiya.
Alam niyang sa tamang panahon, makakamit din niya ang kanyang mga pangarap.




