Nag-message pa raw sa aktres… GILLIAN, NA-TRAUMA NA THIRD PARTY DAW SA HIWALAYANG KATHRYN AT DANIEL
- BULGAR
- Feb 12, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 12, 2024

Nagsalita na ang isa sa mga babaeng iniugnay kay Daniel Padilla at dahilan ng pakikipaghiwalay ng on-and-off-screen partner na si Kathryn Bernardo sa aktor — si Gillian Vicencio.
Kinuyog si Gillian ng mga taga-media na inimbita sa special anniversary celebration ng isa sa leading beauty brands sa bansa, ang Beautederm na pag-aari ng sikat na business executive na si Rei Anicoche-Tan, na ginanap sa kanyang Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga last Saturday.
Pahayag ni Gillian, “Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganu'n. First time ko po magkaroon ng ganu'ng issue. Hindi ko po alam kung saan nanggagaling. Nag-message po ako sa kanya (Kathryn) at hindi pa po kasi kami nakakapagkita ulit nang personal.”
Ini-reveal ni Gillian na hindi naman daw sila nag-uusap ni Daniel. Nakapag-usap lang daw sila sa set ng 2 Good 2 Be True last year.
"Hindi naman po kami nag-uusap. Matagal na rin po kaming hindi nag-uusap after nu'ng taping. Nu'ng taping lang talaga kami nakakapag-usap (kasama ang ibang cast ng show),” lahad ni Gillian.
Binato ng maraming bashing si Gillian sa socmed nu’ng pumutok ang pangalan niya na isa sa mga “babaeng nakarelasyon” daw ni Daniel habang sila pa ni Kathryn.
Dahil d’yan, nagkaroon daw siya ng trauma.
“Hindi maiiwasan na makaramdam ka ng trauma. Hindi ko na matandaan ‘yung pinakamasakit na comment kasi marami po.
“Siyempre, maaapektuhan ka naman talaga. Hindi maganda ang mga sinasabi. Dahil sa family and friends ko na hindi ako iniwan kaya medyo okay-okay naman po ako ngayon,” say ng isa sa Beautederm ambassadors.
And since malinis ang kunsensiya ni Gillian, hindi raw siya mangingimi na tumanggap ng projects na makasama muli either si Kathryn or si Daniel.
Katwiran ni Gillian, “Project po ‘yun. Kailangan ng pera. Oo naman, kasi wala naman (malice).”
Isa si Gillian sa mga sumuporta sa espesyal na pagdiriwang ng anniversary ng Beautederm sa Pampanga kung saan sabay na ring isinelebreyt ang Chinese New Year ni Ms. Rei with her family and employees.





Comments