top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Nag-leave sa It’s Showtime, no show sa publiko… KIM, BUKING SA POST NA NASA BAGUIO

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 25, 2026



WINNER - KIM, BUKING SA POST NA NASA BAGUIO_IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Burado na ang art card na ipinost ni Kim Chiu sa kanyang Instagram (IG) Story last Friday. Naglalaman ito ng emote ng aktres-host sa mga challenges na pinagdaraanan niya sa buhay ngayon.


Last Friday naganap ang grand opening ng bagong branch ng pop-up store ni Kim sa Davao. Kaya lang, hindi nakarating si Kim sa opening. Sa halip, ang dalawa niyang kapatid na sina Twinkle at John Chiu ang nag-asikaso.


Sa IG Story ni Kim, ipinost niya ang picture ng facade ng isang building. May nakalagay na text sa picture. Nakasulat sa art card ang paghingi ng apology ni Kim sa hindi niya pagsipot sa opening ng pop-up store niya sa Davao.


Inamin din ni Kim na kasabay ng pagbubukas ng bagong branch ng kanyang business ay may mabigat siyang pinagdaraanan.


Paglalahad ni Kim, “Sorry, bunnies, won’t make it today. Another difficult day, but I’m choosing to stay strong, keep my faith, and trust the process.


“Praying that the truth will prevail and that justice will be served fairly and impartially. May God continue to guide us through everything.


“Thank you for your love, patience, and understanding, Bunnies. See you all soon.

“Thank you for the love you’ve been showing sa aming SM LANANG POP UP STORE.”


Hindi nakalagay kung saan at anong building ang nasa picture ng kanyang IG Story. Pero ayon sa Google, ang building sa likod ng kanyang text ay ang Fr. Jose Burgos Building na nasa main campus ng St. Louis University sa Baguio City.


Kung bubusisiin ang mensahe ni Kim sa text sa picture, mukhang may kaugnayan ang building sa kinakaharap niyang demanda laban sa kanyang kapatid na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu.


Kung totoong sa Baguio matatagpuan ang naturang building, ano kaya ang ginagawa ni Kim sa malamig na siyudad sa Pilipinas?


May kinalaman kaya ang hindi paglantad ni Kim sa publiko sa isyung buntis diumano ang aktres-TV host?


Ilang linggo na rin ang lumipas na hindi nakikita si Kim ng madlang pipol. Naka-leave siya sa It’s Showtime, kaya wala rin siya sa 17th anniversary ng Kapamilya noontime show.


Stay strong, Kim.





CHINESE CEO, NAINLAB SA BOSES NI MORISETTE



PURING-PURI ng mga taga-China ang Asia’s Phoenix na si Morissette nang mag-perform siya kamakailan. Pinigilan siya ng CEO dahil gusto muna siyang ipakilala dahil hindi siya expected na isa sa mga guests sa event.


Na-in love raw sa boses ni Morissette ang Chinese CEO, at pinasalamatan naman siya ng singer.


Ipinakilala ng CEO si Morissette sa Chinese audience, “She is the best. And I really fell in love with the voice and I know you’re gonna blow us away. So would you give it up for her again, please! Please!”


Naitsika naman ng isang faney ni Morissette sa comment section kung bakit pinigilan si Asia’s Phoenix sa kanyang pagkanta.


Sey nito, “Morissette was a surprise performer at this event, which is why the CEO needed to explain to his guests why he invited Mori to sing because he’s a huge fan.”

Isa si Morissette sa mga performers sa 42nd Star Awards for Movies na gaganapin sa Winford Hotel and Casino ngayon Sunday, 8 PM.


Ang iba pang performers ay sina Ogie Alcasid, Kakie, Edgar ‘Bobot’ Mortiz at Tirso Cruz III.


Ang mga hosts ay sina Beauty Gonzalez, Tony Labrusca, Emma Tiglao at Jameson Blake. Produced ito by Jojo Mendrez, Playtime at EV Productions and Events.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page