top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Aktor, tahimik pero may plano… KAMPO NI ALDEN, NAGSALITA NA SA MGA PANINIRANG IKINAKALAT NI XIAN GAZA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 25, 2026



SHEET - KAMPO NI ALDEN, NAGSALITA NA SA MGA PANINIRANG IKINAKALAT NI XIAN GAZA_IG _aldenrichards02

Photo: IG _aldenrichards02



“Hindi pa nagsasalita si Alden (Richards), pero alam ko na may plano ‘yan,” mariing sabi ng aming source tungkol sa mga pinagsasabi ni Christian ‘Xian’ Gaza laban sa prime artist ng GMA Network.


Tinawagan kami ng aming source kahapon, almost 6 PM na. 

“Kaninang umaga pa kita tinatawagan, ‘di ka sumasagot,” sabi namin. 

Sagot niya, “Tulog kami.”


Anyway, ito ang buong kuwento ng aming source.

“Itong si Xian Gaza, umarya na naman. Si Alden naman ang biktima, ‘di naman totoo lahat ‘yang pinagsasabi n’ya.


“Totoong tumira si Alden sa condo unit nu’ng mag-asawa, pero umalis na s’ya ru’n two years ago pa at bumalik na sa sarili n’yang bahay. Kung paano dinatnan ni Alden ‘yung unit, ganu’n din n’ya iniwan, kaya ano ang sinasabing bills?” sabi ng aming kausap.

Paano ba kasi nagsimula ang kuwento?


“Umalis na talaga si Alden du’n kasi sobrang nasasakal na s’ya. Nakikialam na ‘yung girl, ‘yung asawa, controlling na. Lahat ng ginagawa ni Alden, pinakikialaman; lahat ng schedules, alam na. Eh, alam mo naman, si Alden, mabait kaya nu’ng una, ‘di n’ya pinapansin, pero nasakal na s’ya.


“Sobrang yaman ni Alden, marami s’yang pera. ‘Di n’ya kailangang tumira sa bahay at ayaw umalis. ‘Di totoo ‘yun. Umalis na s’ya, dalawang taon nang wala s’ya ru’n,” pagkukuwento pa ng source namin.


‘Yung tungkol sa mga mamahaling relo na hiniram daw at ayaw nang isauli ni Alden?

“Nangongolekta ng relo si Alden, paanong naghihirap? ‘Yung mag-asawa ang nanghihiram pa sa kanya!” sabi pa nito.


Ang isa pa sa hindi nagustuhan ng aktor ay pati ang mga taong nakapaligid sa kanya ay kinokontrol at sinisiraan daw ng girl.


“Ang ginagawa kasi, nanunuhol ‘yung girl para alamin ang mga lakad ni Alden. Nu’ng una, okay lang na nababanggit kasi kaibigan, pero sumobra na to the max kaya lahat ng kasama ni Alden, umiwas na. Nu’ng ‘di na makakuha ng infos si girl, sabi n’ya kay Alden, tanggalin sila kasi ‘di nakakabuti sa image n’ya.


“Eh, ang tagal nang kasama ni Alden ‘yung mga kasama n’ya, kaya bakit n’ya tatanggalin?” sabi pa ng aming source.


Ang tsika pa ng aming source ay hinanap daw nila si Xian Gaza para ikuwento ito at for sure raw ay may bayad.


“Itong si Xian Gaza, alam ko, paid troll ‘to kaya malamang, binayaran s’ya para ganyanin si Alden. Feeling ko, malaki ang ibinayad para banggain n’ya si Alden. Ang yaman-yaman ni Alden, ang daming negosyo, nag-iisip ba sila?” pahayag pa ng aming kausap.


Sabi pa ng source, nananahimik ang aktor ngayon at delikado raw kapag ganyan dahil walang nakaaalam sa susunod nitong hakbang.


“Alam mo, ‘di na ‘ko magtataka kung biglang mawala na ‘yang Facebook (FB) ni Xian kasi maraming magre-report sa kanya,” sabi pa sa amin.


Binanggit namin na hindi naman makakasuhan si Xian dahil nasa ibang bansa. 

“‘Di naman na s’ya makakabalik sa dami ng maghahabol sa kanya,” sambit ng aming kausap.





Aktor, sinira-siraan sa FB…

FB ACCOUNT NI XIAN GAZA, INIRE-REPORT NA NG FANS NI ALDEN



SPEAKING of Alden, kaliwa’t kanan naman ang pagtatanggol sa kanya ng mga supporters niya at mga kasamahan sa trabaho na nakakakilala sa kanya. Ipinapahayag nila sa kani-kanilang social media accounts na hindi totoo ang mga pinagsasabi ni Xian Gaza.


Ang ilan sa mga nabasa namin:

“We stand firmly with Alden Richards! We will never tolerate fake news, baseless accusations, and malicious lies being spread about him. We believe in his capabilities, hard work, and success.


“He has worked hard to build the life he has today, and we believe he is more than capable of achieving success without resorting to scamming or taking advantage of others,” mula sa Alden Alliance OFC sa kanilang Facebook (FB) post.


At mukhang may gumagawa na ng report sa social media accounts ni Xian Gaza.

“If you come across misleading or defamatory content, please report it through the proper channels instead of sharing it further.


“Above all, let us remember that beyond the fame, success, and recognition, Alden Richards is a human being who deserves respect, fairness, and dignity. No one deserves to have their reputation damaged by unverified claims and malicious speculation.


“We can defend our idol without spreading hate. Let us stand for truth, support what is right, and protect the person we admire through responsible actions.


“We stand with Alden Richards—not because he is perfect, but because we believe everyone deserves fairness and the chance to be treated with respect,” pahayag ng mga supporters ni Alden.


Samantala, bukas ang BULGAR sa panig nina Alden at Xian Gaza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page