Itinanggi noon, inamin na ngayon… MARIAN, IDINEMO ANG PAGPA-PADLOCK SA AKTRES SA CR DAHIL MALANDI RAW

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 25, 2026

Photo: Mavy at Ashley Ortega - IG
Partida, teaser pa lang ang ipinakita, panalo na agad ang Gandang Gabi Vice (GGV) dahil sa kuwelang sagutan ni Unkabogable Star Vice Ganda at ng beautiful actress na si Marian Rivera.
Sa programa, ibinahagi ni Marian ang kanyang beauty secret para mapanatili ang kanyang kagandahan, pero hindi rin nakaligtas sa biruan ni Vice ang aktres.
Tanong ng host, “Uso ‘yung mga beauty regimen, ano’ng combo mo?”
“Everytime matutulog ako, tatanggalin mo ang lahat,” sagot ni Marian.
Hirit naman ni Vice, “Pati panty, ‘di mo itinitira?”
“Depende sa araw,” pabirong sagot ni Marian.
Hindi rin pinalampas ni Vice ang pagkakataong usisain si Marian tungkol sa mister nitong si Dingdong Dantes.
“Sinasayawan mo rin si Dong, kinekembutan mo rin s’ya?” tanong ni Vice.
“Performance level, ganu’n,” nakangiting sagot ni Marian.
Samantala, napag-usapan din ang kontrobersiyal na isyu noon tungkol sa diumano’y pagkulong ni Marian sa isang aktres sa CR (comfort room), na itinanggi na niya sa isang panayam.
Diretsahang tanong ni Vice, “‘Yung padlock-padlock na ‘yan dati, did it really happen?”
“‘Yung totoo!?” balik-tanong naman ni Marian.
Kasunod nito, ipinakita sa teaser ang isang eksenang tila may isinara o ipinadlock na pinto habang sinasabi ng aktres ang “Oh, ‘di ba, malandi ka? Ayan, malandi ka, eh!”
Well, ano nga ba ang buong kuwento sa likod ng eksenang ito?
Abangan na lang natin, madlang people, sa GGV ngayong Linggo, October 25. Mapapanood naman ang unfiltered version nito exclusively sa iWant.
Bukod dito, ibabahagi rin ni Marian ang kanyang karanasan at ang mga dapat abangan sa pelikulang Remember, na mapapanood sa mga sinehan simula Nobyembre 11.
Makakasama rin niya sa pelikula ang kanyang mister na si Dingdong, sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar.
Ang Remember ang balik-tambalan ng DongYan matapos ang kanilang 2023 box-office hit na Rewind.
MABILIS na nag-viral sa social media ang pag-repost ng aktres na si Carla Abellana tungkol sa mga bra na may removable pads.
Ayon sa post ng isang netizen na ibinahagi ng aktres, nananawagan ito sa mga gumagawa ng bra na tigilan na ang paggamit ng natatanggal na pads dahil hassle itong ibalik sa tamang puwesto pagkatapos labhan.
“Dear bra companies, I am BEGGING you to stop making bras with removable pads. Nobody wants to spend 10 minutes trying to shove a folded-up triangle back into a tiny hole after laundry day. WE ARE TIRED,” saad sa post.
In fairness, marami ang makaka-relate sa hinaing na ito. Simpleng labada, naging challenge pa, ‘di ba naman, madlang people?
PUNUMPUNO ng de-kalibreng performances at kasiyahan ang mapapanood sa ASAP XP Pampanga sa pangunguna nina Joshua Garcia at Julia Barretto, Donny Pangilinan at Bamboo ngayong Linggo (October 25).
Nag-uumapaw na kilig ang mararamdaman ng manonood sa duet number nina Joshua at Julia sa kanilang ASAP XP reunion.
Kakaibang charm naman ang ipamamalas ni Donny sa kanyang solo act, kasunod nito ang high-energy solo performance ni Bamboo.
Mas pinatindi pang biritan ang mapapakinggan sa kaabang-abang na kolaborasyon ng ASAP OG (original) diva na si Pops Fernandez kasama ang ASAP champions na sina Erik Santos, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jason Dy, Katrina Velarde, Jed Madela, at Jona.
Bibida rin ngayong Linggo ang Kapamilya love teams na sina Alexa Ilacad at Gelo Rivera, Kai Montinola at Jarren Garcia, at Francine Diaz at Seth Fedelin sa kani-kanilang pasabog na duet.
Tiyak na bibilib din ang fans sa bonggang performance ni Darren kasama ang BGYO.
Haharanahin naman ng mga heartthrobs na sina Seth, Jarren, River Joseph, Ralph De Leon, Chan Martin, at Dylan Menor ang mga viewers sa kanilang inihandang performance.
Makikikanta rin ang mga viewers sa OPM jam na dala ng duet number nina Moira at Darren. Susundan ito ng pambihirang solo act mula sa Chief of the OPM na si Ogie Alcasid.
Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle Mariano, Alexa, at BGYO Gelo.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments