Nag-enjoy kaya uulit-ulitin na raw… ALDEN, MASAYA KAHIT SOLO FLIGHT SA BAKASYON SA AMANPULO

ni Vinia VIvar @Frankly | November 14, 2026

Photo: IG _aldenrichards02
Naging meaningful at memorable experience para kay Alden Richards ang kanyang first-ever solo trip sa Amanpulo, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong mag-reflect, magpahinga, at magkaroon ng realizations tungkol sa buhay.
Sa panayam sa aktor sa 24 Oras, ibinahagi niya kung gaano siya nag-enjoy sa kanyang bakasyon nang walang kasama.
Sey niya, sa loob ng halos 16 years ng kanyang career, ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong mag-travel nang mag-isa at gagawin na raw niya ito nang madalas.
“In 15 years, going 16, it’s my first-
ever solo trip without anyone with me. It’s so liberating, and I plan on doing it more often,” kuwento ni Alden.
Dagdag pa niya, naging eye-opening experience ang kanyang solo getaway dahil marami siyang napagtanto tungkol sa buhay. Mas natutunan din niyang maging grateful at positive sa kabila ng iba’t ibang challenges na kanyang pinagdaraanan.
“At the end of the day, nu’ng nandu’n ako, I was [in] a lot of realizations and contemplations. ‘Di natatapos ang buhay hangga’t humihinga ka, hangga’t ginigising ka ni Lord every day, meron at merong something for you out there,” pagbabahagi niya.
Nagbigay rin ng inspiring message ang Asia’s Multimedia Star para sa mga taong may sariling pinagdaraanan sa buhay.
“We have our own struggles. We have our own challenges, but let’s be grateful. Look at the bright side of things because our life is someone else’s dream,” aniya.
Samantala, hindi rin naging puro happiness ang kanyang bakasyon dahil nakatanggap siya ng isang heartbreaking news habang nasa Amanpulo.
Ibinahagi ni Alden na pumanaw ang kanyang beloved pet dog na si Summer, na labis niyang ikinalungkot.
“‘Yun lang, kaya lang, namatayan ako ng aso. Si Summer. That broke my heart,” malungkot niyang kuwento.
Mas naging masakit para sa aktor ang pagkawala ng kanyang alaga dahil pakiramdam niya ay may espesyal itong papel sa mga pinagdaraanan niya sa kasalukuyan.
“Feeling ko kasi, may certain parts of her na sinalo n’ya ‘yung mga nangyayari sa ‘kin ngayon. It was just so painful, but I know she is in a better place,” emosyonal niyang wika.
Despite the heartbreaking loss, naging meaningful pa rin ang experience ni Alden sa kanyang 4-day ‘me time’. Naging pagkakataon ito para mas makilala niya ang kanyang sarili, pahalagahan ang buhay, at makita ang positive side ng mga bagay kahit may mga pagsubok na dumarating.
MUKHANG handa na ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho na salubungin ang Pasko at ibahagi ang diwa nito sa iba, ayon sa video interview na inilabas ng Kapuso.
Sey niya, “Masarap sa pakiramdam na ikaw ‘yung nakakapagbigay ng liwanag sa ibang tao. Antidote to sadness, loneliness, get out of yourself…think of other people and extend some kindness to them.”
Kaya naman, excited na rin siyang ipamahagi sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanyang sikat na macaroni salad na taun-taon niyang ginagawa.
“Ito po ‘yung paraan ko para ipakita ang aking appreciation sa lahat ng taong nakasama ko sa isang buong taon, sa lahat ng mga nakatulong sa ‘kin, at s’yempre sa aming family,” aniya.
TWO-IN-ONE ang saya sa panonood ng maaksiyong engkuwentro ni Coco Martin sa Sigabo dahil tampok din sa serye ang mga mahalagang aral tungkol sa iba’t ibang napapanahong isyu.
Tampok sa serye ang paghahatid ng kamalayan tungkol sa isyu ng pambubudol matapos tulungan ni Gabo (Coco) si Lola Anita (Gina) nang maloko ito sa isang investment scam kapalit ng malaking halaga ng pera.
Isa ito sa mga isyung tinatalakay sa serye kabilang ang naunang misyon ni Gabo na tungkol naman sa sindikato ng human trafficking sa mga kababaihan. Mas marami pang kapana-panabik na misyon kontra-krimen ang dapat abangan kay Gabo bilang undercover taxi driver dahil ibibida niya ang mas maangas na super taxi na may kakaibang high-tech at bulletproof powers na tutulong sa kanya sa bakbakan.
Bida rin ang pekeng misis ni Gabo na si Gloria (Julia) sa kanyang tuluy-tuloy na pagtulong sa komunidad ng Ginintuang Lupa kung saan tutok naman siya sa pagligtas sa mga na-dognap.
Napapanood ang Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant. Umeere rin ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.





Comments