top of page
SPECIAL - MARICEL, NGIWI AT NANINIGAS ANG PANGA SA PAGSASALITA, DAHIL DAW SA DROGA_FB Mari

Akala madir ang may problema kaya naghiwalay… EX-HUSBAND NI AI AI, MAS KINAMPIHAN NG MGA ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
42 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 14, 2026



TEKA NGA - EX-HUSBAND NI AI AI, MAS KINAMPIHAN NG MGA ANAK_IG _msaiaidelasalas

Photo: IG _msaiaidelasalas



Hindi pala ipinagtapat ni Ai Ai delas Alas sa kanyang mga anak na sina Sancho at Sophia ang mga pagdurusang pinagdaanan niya bago sila naghiwalay ni Gerald Sibayan. Inilihim niya dahil ayaw niyang magkaroon pa ng problema ang mga ito.


Sinarili niya ang lahat ng sakit ng loob at pagdurusang dinanas niya sa piling ng kanyang ex-husband. 


Pero ang akala naman ng kanyang mga anak na sina Sancho at Sophia ay sinumpong na naman ng topak ang kanilang ina, kaya nakipaghiwalay. Kaya ginawa nila ang lahat upang maayos ang problema at magkabalikan ang mga ito. In short, mas kinampihan nina Sancho at Sophia si Gerald.


Pero nang ipagtapat na ni Ai Ai sa mga anak ang katotohanan kung bakit siya nakipaghiwalay, saka lang nila naunawaan ang Comedy Queen, kaya todo ang suporta na kanilang ibinigay sa ina.


Sa ngayon ay panatag na ang buhay ni Ai Ai dahil masaya siya sa pagiging single. Nahihilig siya ngayon sa hyrox at isa na siyang ganap na athlete.


Maraming nakapansin na blooming ang Comedy Queen mula nang mahilig siya sa hyrox, feeling yayamanin daw at masiglang-masigla.





Obyus na super in love sa isa’t isa…

WILL, MAS SISIKAT KUNG HIHIWALAY KAY MIKA



MUKHANG totohanan na ang relasyon nina Will Ashley at Mika Salamanca. Kitang-kita sa kanilang mga kilos na in love sila sa isa’t isa. 


Maging ang kanilang mga fans ay kinikilig sa kanilang ka-sweet-an. Malakas ang chemistry ng kanilang tambalan.


Pero marami naman ang nagpapayo kay Will na mas makakabuti sa kanyang career kung mag-solo na lang muna siya at huwag dumepende sa kanilang love team ni Mika. Puwedeng maabot ng aktor ang kasikatan ngayon ni Joshua Garcia, lalo na’t magaganda ang mga projects na ibinibigay sa kanya.


Hindi naman hinahadlangan ang relasyon nila ni Mika. Marami ang natutuwa sa pagsasama nila sa Delivery Boi, pero dapat ay bigyan nila ng prayoridad ang kani-kanilang career upang magtagal sila sa showbiz.





IKINATUTUWA ng mga fans ni Rainier Castillo ang balitang balik-GMA-7 na siya. At least, muli na naman siyang mapapanood sa telebisyon pagkatapos ng ilang taon niyang pamamahinga.


Marami ang nanghihinayang sa panahong kanyang pinalipas. Marunong naman siyang umarte at nasa showbiz pa rin ang mga nakasabay niya sa StarStruck na sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, atbp..


Tiyak na aabangan ng mga fans ni Rainier ang pagge-guest niya ngayon sa sitcom na Pepito Manaloto.


Hopefully, masundan pa ang guesting ng aktor sa iba pang shows ng GMA-7. At sana, magkaroon siya ng chance na makasamang muli sina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Mark Herras at iba pang StarStruck stars.


Well, mukhang happy si Mark sa pagbabalik ni Rainier.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page