top of page
SPECIAL - MARICEL, NGIWI AT NANINIGAS ANG PANGA SA PAGSASALITA, DAHIL DAW SA DROGA_FB Mari

Inireklamo dahil sa mga galawan ng mga housemates… PAMUNUAN NG PBBC 3.0, GAME HUMARAP SA MTRCB

Writer: BULGAR
BULGAR
27 minutes ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 14, 2026



Inireklamo dahil sa mga galawan ng mga housemates… PAMUNUAN NG PBBC 3.0, GAME HUMARAP SA MTRCB

Photo: Pinoy Big Brother Collab 3.0 / YT



Rumesbak ang pamunuan ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0) sa mga ipinahayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


Sabi kasi ng ahensiya ay may mga natanggap silang reklamo sa galawan ng mga housemates sa loob ng Bahay ni Kuya. Ito ay nagmula sa mga napanood nilang episodes during the live streaming ng PBBC3.0 sa iWant.


Pero ayon sa programa, wala naman daw silang natanggap na notice mula sa MTRCB ukol sa mga reklamo.


Narito ang official statement na inilabas ng pamunuan ng PBB Collab 3.0:

“Naglabas ng pahayag ang MTRCB tungkol sa mga reklamong natanggap nito kaugnay ng ilang eksena at interaksyon sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.


“Ang ABS-CBN ay wala pang natatanggap na notice galing sa MTRCB patungkol sa mga reklamo. Ngunit kami ay handang makipag-usap sa Board kapag kami ay ipinatawag.

“Sa PBB, lagi naming itinuturo ang kahalagahan ng mabuting asal at paggalang sa kapwa. At sa paggabay ni Kuya, natutulungan ang mga housemate na mapag-isipan ang mga kilos at matuto sa kanilang mga karanasan. Ang pangunahing layunin ng PBB ay mapangalagaan ang kapakanan ng mga housemates at ng bawat isa.


“Patuloy na committed ang ABS-CBN sa responsableng self-regulation.”

‘Yun na!





Palaban sa mga interviews… 

ANDREA, NAKIPAG-INGLESAN SA LONDON



JETLAG na jetlag pa rin ang pakiramdam ng aktres na si Andrea ‘Blythe’ Brillantes nang um-attend sa mediacon ng pinag-uusapang pelikula niya, ang Laya with JC Santos.


Kadarating lang kasi ng aktres mula sa London kung saan um-attend siya sa 2026 Women and the World International Film Festival (WWIFF) to represent their film. 

By the way, winner na winner si Andrea dahil sandamakmak ang pumuri sa kanyang appearance, lalo na sa mga interbyu niya. Napakahusay niyang sinagot ang mga tanong in English and with an accent, huh!


And of course, wagi si Andrea ng Best Acting Performance for her remarkable portrayal of Sab sa Laya na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo and produced by Rein Entertainment.


Pahayag ni Andrea, “Nu’ng pinitch po kasi sa ‘kin ang project na ‘to, honestly po kasi it’s more of like… Well, I’ve been in this industry for so long, marami na silang nakitang version ng Andrea Brillantes mula nu’ng bata pa ‘ko hanggang ngayon.


“Pero kahit marami na silang napanood, I feel like marami pa rin po silang ‘di nakikita. At ‘yun nga, naghihintay lang po ako. It’s a matter of time and with the right project, the right role, the right director, the right co-actors who explore, uh, a genre where a not usually complex character na nakita ko sa Laya, naisip ko na mabigyan ako ng opportunity na meron akong maipakita na ibang side ko as an actress.”


Inamin naman ng aktres na matindi siya kapag nagkimkim ng galit sa isang tao. At kapag nagalit siya, hirap daw siyang magpatawad. ‘Yan kasi ang personality ng character ni Andrea bilang si Sab.

Kapag nasa ganoong sitwasyon na raw siya, ang nasa isip ng aktres ay maghiganti.

“Revenge is something that you feel is the right thing to do. You feel like getting even is the way to find peace,” pahayag ni Andrea na bida sa pelikulang Laya with JC Santos and Anthony Jennings.


Ang realization daw ni Blythe sa paggawa ng pelikulang Laya ay kapag gustong manakit ng isang tao, mas lalong masakit daw iyon.


Pahayag pa ni Andrea, “And it’s also something that I’ve been struggling with kasi, aminado naman ako lalo na nu’ng bata ako. Parang it’s one of my toxic traits in a relationship. ‘Pag ginawa mo, in some ways, I wanted to get even.”


Sa usaping second chance, sinagot din ni Andrea ang tanong kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay na pagkakataon.


Paliwanag pa niya, “Gusto ko sanang sabihin na hanggang second chance lang ang kaya kong ibigay. Pero sa totoo lang, hanggang sa kaya ko, eh. Hanggang sa mahal ko pa, hanggang sa kaya-kaya ko pang intindihin ‘pag alam ko na mas kaya kong tanggapin kaysa mawala ‘yung tao.


“Kasi alam ko at least eto ako, giving my all. Eventually, alam ko naman na mapapagod ako, eh. But at least, alam ko that I’ve tried to the end. At kung napagod ako, eh, di ‘yun na ‘yun.”


Pero depende pa rin daw kung kanino siya magbibigay ng second chance, like kung sa dyowa ba, o sa kaibigan at kahit kasama sa trabaho.

Ipapalabas ang Laya sa mga sinehan on November 25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page