Sobrang suwerte raw niya… TOM, BIGLA NA LANG NATULALA KAY BEA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 14, 2026

Photo: IG _akosimangtomas
Inamin ng aktor na si Tom Rodriguez na natulala siya nang makasama sa isang eksena ang aktres na si Bea Alonzo, talent ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Darling of the Press na si Chris Cahilig.
Well, hindi napigilan ng aktor na purihin ang husay ni Bea bilang aktres. Aniya, bukod sa pagiging madaling katrabaho, marami rin siyang natututunan mula rito.
“Sobrang dali n’yang katrabaho. Grabe, napaka-down-to-earth n’ya. Very open naman ‘pag nag-uusap kami. Sobrang dami ko ring natututunan sa kanya, lalo when it comes to the work,” sey ni Tom.
Ikinuwento rin niya ang isang pagkakataon habang nagba-blocking sila para sa isang eksena kung saan bigla na lamang siyang natulala kay Bea.
“May one time na nasa eksena kami, nagba-blocking. Parang natameme ako, natulala ako sa kanya. Sabi n’ya, ‘Okay ka lang?’ Sabi ko, hindi. Itina-try ko lang isipin ‘yung parang thought na dumaan sa utak ko.
“Na sabi ko, ‘Para akong nanonood ng chef na nakahasa ‘yung kutsilyo na nagtatrabaho sa harap ko.’ Sabi ko, grabe, ang suwerte ko to be in the presence of someone like that, to watch her work. Feeling ko, parang nadadala ako. Na natututo rin ako along the way. Kaya ang galing nga!” kuwento niya.
Well, big tumpak! Talagang beautiful and talented ang isang Bea Alonzo.
Anak, sasali uli sa beauty pageant…
DEREK KAY MICHELLE: WALA KA NANG KAILANGANG PATUNAYAN
IPINAHAYAG ng aktor na si Derek Dee ang pagmamalaki at pagmamahal sa kanyang anak na beauty queen na si Michelle Marquez Dee (MMD) sa pamamagitan ng isang heartfelt social media post.
Sa kanyang mensaheng pinamagatang ‘A Father’s Love Comes First’, ibinahagi ni Derek ang kanyang suporta kay Michelle at ang paalala na mas mahalaga ang kalusugan nito kaysa sa anumang korona o kompetisyon.
Ani Derek, “My daughter, you have already accomplished so much — Miss Universe Philippines, Miss World Philippines, and so many milestones that have made us proud.
“You have nothing left to prove. No crown is worth more than your health, and no competition is more important than your well-being.
“With Miss Grand All Stars just weeks away, my only wish is for you to take the time to heal and recover. The stage will always be there, but your health comes first.
“Remember, your greatest victory is not a crown, but the beautiful person you are and the lives you continue to inspire. I am proud of you beyond words. Take care of yourself, my daughter. Dad loves you.”
Well, iba talaga ang pagmamahal at suporta ni Derek sa kanyang anak na si Michelle.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments