top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nag-emote sa IG na naghihirap na dahil sa pandemic, sinopla… NETIZEN KAY ROBIN: SAPATOS NI MARIEL,

BULGAR
May 9, 2021
1 min read

BRANDED; BAHAY N'YO, MAY SWIMMING POOL PA!


ni Nitz Miralles - @Bida | May 09, 2021




Kinontra ng ilang netizens ang sinabi ni Robin Padilla na maging sila man ay nagtitipid dahil sa COVID-19 pandemic.


Reaction ng isang netizen, bago raw sabihin ni Robin na nahihirapan din sila ni Mariel Rodriguez sa pang-araw-araw na buhay, itsek muna ang branded na sapatos ng kanyang misis.


May nag-react din na malaki ang bahay nila, may swimming pool pa para sabihing apektado sila sa nangyayari.


Alam nating lahat na matagal na ang bahay nina Robin at ‘yung suot na sapatos ni Mariel, tiyak na nabili bago magka-COVID.


Anyway, heto ang post ni Robin na ipinag-react ng ilang netizens: “Hindi lang po kayo ang hirap, pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid. Ang mga savings ay naghihingalo na kaya’t pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na. Pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin, hangga’t maaari, ayaw namin silang maghirap kaya’t ang aming mga suweldo ay diretso na sa kanila.”




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page