Nag-drums habang kumakanta… JAMES, TAAS-KAMAY SA GALING NI JULIE ANNE
- BULGAR
- Oct 20, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 20, 2021

Pati ang mga Kapamilya at Viva stars, napahanga sa husay ni Julie Anne San Jose sa isa
sa mga performances niya sa All-Out Sundays last Sunday na kumakanta habang nagda-drums.
Mahirap gawin ‘yun, pero nagawa ng Limitless Star nang buong husay.
Kabilang sa mga Kapamilya na nag-react ay si Iza Calzado, na ang tanong kay Julie ay “Jusmioooo lahat na lang kaya mo?!? Hanep!!!”
Si James Reid, walang comment, pero nag-post ng emojis na nakataas ang mga kamay.
Nagre-request ang mga fans ng collaboration ng dalawa na sana nga ay mapagbigyan, the same request ng fans kay Carl Guevarra ng The Juan Band. Nag-comment din si Chito Miranda ng “Hayup ‘to.”
Proud kay Julie ang mga Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Ruru Madrid, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Michelle Dee, Kelvin Miranda, Brianna Bunagan, Cassy Legaspi, Kim de Leon at Bea Alonzo.
Pinaka-proud kay Julie ang kanyang mga fans at kahit ilang beses na nilang napanood na nagda-drums at sabay na kumakanta ang singer-actress, humanga pa rin sila. Super talented daw ang idol nila. May nagbiro na nanghingi ng talent kay Julie.





Comments