ni Beth Gelena @Bulgary| July 7, 2024
Habang iniinterbyu ni Ogie Diaz si Kris Aquino ay pansamantalang nag-date ang bunso ni Kris na si Bimby at ang anak ni Ogie na si Erin Diaz sa Disneyland. Ito ang ‘first girlfriend’ date ni Bimby.
Pero, ang tawag ni Bimby kay Erin ay "Ate".
Ang nasabing first date ni Bimby ay mapapanood sa YouTube channel ni Erin. Dito ay nagkaroon ng opportunity si Bimby na ma-experience ang pagkakaroon ng “first girlfriend.”
Niyaya ni Erin si Bimby na magkunwaring mag-boyfriend sila habang namamasyal sa theme park.
Dinala ni Bimby si Erin sa Disneyland at Disney California Adventure para gawin ang “Girlfriend for a Day challenge.”
Clarification ni Erin, isa lang challenge ang kanilang ginagawa dahil minor pa si Bimby and they are only doing it for fun.
Sey ni Erin, “Baka makulong ako.”
Ang tawagan ng dalawa ay “Honey” at enjoy naman si Bimb sa challenge nila ni Erin sa kanilang "relasyon".
“Ang ganda-ganda ng first girlfriend ko. Comes from a good family pa,” pakli ng anak ni Kris.
Makikita pa sa clips na nagbirong lumuhod si Bimby sa harap ng iconic Sleeping Beauty na tila ba nagpo-propose at saka nagtawanan ang dalawa.
“Everything is the best kapag may kasama kang maganda, matalino at saka masipag. I’m your boyfriend for the day and a boyfriend should support his girlfriend,” lahad ni Bimby.
Nagtapos ang kanilang date challenge kung saan binigyan ni Bimby ng souvenir gift si Erin para maalala nito na nagpunta sila ng Disneyland na magkasama.
Well, bumalik si Bimby sa US para suportahan ang ina na ngayo’y dumadaan sa several treatments para sa kanyang autoimmune diseases.
Sa interview ni Ogie sa Queen of All Media, ibig ni Kris na makauwi ng ‘Pinas by September kung magiging mabuti ang lagay niya.
Comments