top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nag-break noon, together again ngayon… MCCOY, PROUD NA NAKA-ISANG TAON NA SILA NI ELISSE

BULGAR
Jul 9, 2021
2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 09, 2021



Released na ang short film na YAU (You Are Unique) ng aktor na si McCoy de Leon.

Ayon sa dating Hashtags member ng It's Showtime, iniaalay niya ang nasabing short film para sa kanyang nakabalikang nobya na si Elisse Joson, na sumikat din sa programang It's Showtime.


Matatandaang naghiwalay ang magkasintahan bago nagka-pandemya kaya't meaningful ang pagde-dedicate nito ng kanyang film na nataon sa first anniversary ng kanilang pagbabalikan as sweethearts.


Ang YAU or You Are Unique's video ay in-upload sa YouTube Channel ni McCoy nitong July 3, Sabado, at sa umpisa ng film, mapapansin ang mga random shots na may caption gaya ng: "Isa ka bang makina? Isang ulap? Isang poste? Isang puno? Dalawang ilaw? Sabi nga nila, you are unique in your own way. Ang pagiging natatangi ay mahalaga at matatandaan habang buhay tayo. Dahil nag-iisa ka lang, eh, at walang katulad.


"Kaya masasabi mo bang ikaw ay parang isang makina, nakatingala kahit magulo ang paligid? Isang ulap, nananatiling kalma pagkatapos ng bagyo? Isang poste, na hinaharap lahat? Isang puno, natututo habang tumatanda? Dalawang magkaibang ilaw, pantay ang tingin sa isa't isa kahit magkaiba ang anyo? Ipagpatuloy mo lang! Dahil natatangi ka at walang katulad."


Habang umaalalay naman ang isang background music sa mga random clips ni Elisse, madamdamin ang pagkanta ni McCoy ng isang tugtugin mula sa version ng isa sa mga Elvis Presley's song, ang I Can't Help Falling In Love With You.


"Naka-isang taon na ulit tayo, natapos ang dalawang taon, nagkabalikan ulit tayo. Wala man tayo sa different country, naka-isang taon naman na tayo ulit," ayon sa caption.


Isang araw bago ini-release ang YAU video, nag-post din si Elisse ng sweet tribute to McCoy on her Instagram page, captioned: "Sa araw-araw."


As of this writing, YAU has garnered more than 35,000 views and 2,900 "likes".


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page