Nag-break, nagkabalikan… MCCOY AT ELISSE, UMAMING MAY ANAK NA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 2, 2021

Dumalaw ang celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 10 nu'ng October 31.
Naka-blindfold pa ang dalawa nang pumasok sa confession room.
Binisita ng McLisse si Big Brother para sabihin nang personal ang kanilang pakay.
Sina McCoy at Elisse ay produkto rin ng PBB. Pinagtagpo sila sa PBB Season 7 at tinagurian silang McLisse na hanggang lumabas ng Bahay ni Kuya ay ipinagpatuloy nila ang magandang samahan hanggang naging opisyal na magkarelasyon.
Nagkahiwalay sila, pero muling nagkabalikan.
Sa pagbisita ng McLisse sa PBB house, nakipagkumustahan sila kay Big Brother.
Tinanong sila ni Big Brother kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan sa ngayon.
Ani McCoy, “Pumapasok po kami sa bagong business... jewelry po na malaking tulong na maibibigay para sa aming pamilya… pamilya namin… in the future.”
At dito na sinabi ni McCoy ang kanilang pakay kay Big Brother.
Ani McCoy, “Tanong po… puwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin?”
“Ninong?... Anak?” ang nagtatakang tanong din ni Big Brother.
Si Elisse na ang nagpatuloy, “Kuya… ummm… kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl.”
“Alam po namin na imposibleng makita ka pero gusto po naming tingalain ka niya bilang isang ninong… isang godparent na punumpuno ng wisdom kaya naisip po namin na lumapit sa inyo…
Sabi nga po ninyo, kami ay nakatakda…na itinakda kami rito,” sabi uli ni McCoy.
Tinanggap ni Kuya ang alok ng celebrity couple.
Sambit ni Big Brother, “Isang karangalan na maging ninong ng anak ninyo” at binati ang young celebrity parents.
“Dito po kami nagsimula sa bahay po ninyo, and malaki po ang utang na loob namin, habambuhay po naming dadalhin po 'yun. Ang alam lang namin, hindi po expected… pero ang programang ito ang nagtadhana sa amin patungo dito… family na kami,” sambit ng dalawa.
Ipinakita ni Elisse ang larawan ng kanilang baby girl kay Big Brother.
Ang name ng kanilang baby ay Feliz MacKenzie, “Si Baby Feliz po ang lucky charm namin…she is a blessing po talaga."
Nagbigay naman ng payo si Kuya sa McLisse.
Hinandugan din niya ang mga ito ng tatlong PBB t-shirts na kulay blue. May para kay Baby Feliz at kina McCoy at Elisse kung saan naka-print doon ang "Pinoy Big Mother" at "Pinoy Big Father".
Sa comment section ng PBB ay may komento si Big Brother, “Nothing but love & support for McCoy & Elisse! Excited to see my inaanak. Love you all!”
Narito naman ang ibang komento ng mga netizens.
“Second chance sa relationship nila at nagbunga ng blessing. Congrats, McLisse sa baby!
Happy for both of you.”
“I am so happy for this wonderful blessing for you, McCoy and Elisse! I have followed your journey here in PBB and I can say you are my fave couple and I am so glad that you got back together and is now a happy family. May God bless your family!”
“Ito 'yung best example na 'di lahat ng relationship, kailangang ibalandra sa social media, private makes relationship in peace. Congratulations, McLisse.”
“You can see real happiness in their aura. All the best McLisse!”
“The two people who u met with so kind and genuine personality is now having a baby and I'm so happy for the two of you Kuya McCoy and Ate Elisse.”
“I was always playing the Tuloy Pa Rin song of McDonald's where they acted in the MV. Can’t believe they’re going to be a parent. Congratulations.”
“OMG! So proud of you both!!! Ang saya na ang pinaka-love kong couple sa S7 ay bumalik this season to share this good news!”
“Ang galing nilang magtago, hindi kayo naamoy ng mga Marites guys. Congratulations! Sana sa next vlog n'yo, kasama na si baby.”
“Congratulations, McLisse!!! You deserve each other so much! Felisse McKenzie will be as beautiful and amazing as you both are! Nakakaiyak at nakaka-touch talaga kapag si Kuya ang nagsasalita. I’m a big supporter of PBB since 2006. I was only 11 at the time pero I can still remember na sobrang nilu-look forward ko ‘yung PBB kahit sobrang late, marinig lang mga payo ni Kuya sa mga housemates na napamahal na rin sa 'kin.”





Comments