Nag-bonding sa Bora, relasyon kumalat… NETIZEN, DIRING-DIRI KINA ALLAN K. AT AHRON
- BULGAR
- Dec 20, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 20, 2021

Nag-viral ang ipinost ni Allan K. sa kanyang Instagram account na picture nila ni Ahron Villena habang nasa Boracay beach.
Ang agad na pumasok sa isipan ng mga netizens ay may relasyon ang dalawa.
Kaya lang, mukhang hindi kinaya ni Allan ang bumabahang comments sa kanyang IG account, kaya naglabas ito ng paglilinaw na "prank" lang ang ipinost niyang picture nila ni Ahron habang sweet na nagtititigan sa beach.
Sabi pa ni Allan sa kanyang caption sa picture nila ni Ahron, "And now the reveal. It's a prank!!!
Thank you sa mga pumatol sa earlier posts namin. Isa lang siyang malaking playtime. Peace everyone."
Samu't sari naman ang naging reaksiyon ng mga netizens sa inamin ni Allan.
"Kung anu-ano na lang talaga para sa clout ano, haha!" reaksiyon ng isa.
"Realistically speaking, even non-celebs do it. So just stop the bashing. They were just having fun. I bet people in the past did these things as well, it's just that there are no social media apps back then to video people's craziness."
"Wala namang nagtaka, eh."
Kinuha naman ng isang netizen ang atensiyon ni Cacai Bautista na minsan na ring na-link kay Ahron.
"Cacai is shaking," sabi nito.
Pero kahit idinenay na ni Allan na may namamagitan sa kanilang espesyal ni Ahron, may ilang ayaw pa ring maniwala.
"Baka naman bukas, eh, sila na nga."
"Wouldn't be surprised kung totoo. Baka known user kasi 'yan, hahaha!"
May nag-comment naman sa physical look ni Ahron, "Payat pala si Ahron. The guy is cute."
Pero may isang netizen ang 'di yata kaaya-aya ang tingin sa pagkaka-link nina Allan at Ahron kaya sabi nito, "Ewww ewww yuck. Chepapay baduday nonsense."
Dugtong naman ng isa pa, "Anything to get attention. Kadiri."
Meron ding nakaalala sa dating kumalat na nude photo scandal ni Ahron kaya ang sabi nito, "Daks 'yang si Ahron, 'di ba? Haha! Na-post 'yan dito sa FP (Fashion Pulis)."
Komento naman ng isang pabor sa same sex relationship kung saka-sakali, "Eh, ano naman kung maging sila? I will be happy and congratulate them."
"Can we just be happy for those people who found love in a hopeless place?"
Nagamit pa ng isa 'yung segment ng EB!, "Bawal nga judgmental, diveeeey? Haha!"
Anyway, wait na lang natin kung magkakaroon pa ng development kina Allan at Ahron after nilang mag-deny. Tiyak namang hindi ito makakalampas sa mga Marites ng Pilipinas!





Comments