Nadulas… OGIE, IBINUKING NA GF NI COCO SI JULIA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 4, 2021

Pinanood namin ang Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kung saan topic nila ang rumored celebrity couple na sina Julia Montes at Coco Martin.
Nag-birthday kasi si Coco nu'ng Nov. 1 at binati siya ni Julia sa Instagram account nito.
Sabi ni Ogie kay Mama Loi, "Ano'ng sabi ng girlfriend ni Coco? Basa…"
Binasa naman ito ni Mama Loi at pagkatapos, tanong niya sa manager nina Liza Soberano at Enrique Gil, "'Nay Ogs, bakit sinabi mong girlfriend si Julia? Umamin na ba sila?"
"Ako lang po ang umamin," sey ni Ogie.
Nadulas lang daw siya nang masabi niyang 'girlfriend ni Coco' si Julia.
Pabirong sabi ni Ogie, siya na ang umamin para sa dalawa at nadulas lang daw siya.
"Nadulas lang. 'Di ba puwedeng nadulas lang?" aniya pa.
Maraming larawan nina Coco at Julia na magkasama sa iba't ibang lugar ang lumabas na, pero hanggang ngayon, wala pa ring tuwirang pag-amin mula sa kanilang dalawa.





Comments