Nadala na raw… ANGEL, STOP NANG MAMIGAY NG PAGKAIN
Julie Bonifacio - @Winner | April 27, 2021

More on Angel Locsin, nilinaw ng host ng Kapamilya public service show na Iba ‘Yan na hindi siya na-offend sa mga tanong na ibinato sa kanya ng ABS-CBN broadcast journalist na si Alvin Elchico.
Dinagsa kasi ng puna si Alvin sa linya ng tanong niya kay Angel na: “Meron ka pa bang susunod na ioorganisang community pantry o nadala ka na?”
Sa programa ni Alvin sa DZMM Teleradyo titled SRO with Doris Bigornia ay ipinaliwanag niya kung bakit ganu'n ang line of questioning niya kay Angel. And at the same time, humingi na rin siya ng pasensiya sa Kapamilya actress.
“Angel, if you’re offended, sorry, ha? Sorry po kung na-offend kayo. But it was never my intention na i-offend po siya. I just asked it because I think valid po ‘yung tanong. Kasi nga, with what happened, uulitin pa ba niya? ‘Yun lang po ang ibig kong sabihin and she answered it. Sinabi niya, ‘No, hindi ko na uulitin,'” esplika ni Alvin.
Kinagabihan ay may natanggap na mensahe sa kanyang Viber si Alvin na mula sa uncle ni Angel na si Bayan Muna Chair Atty. Neri Colmenares.
Ipinost ni Alvin sa Twitter kinaumagahan ang natanggap niyang mensahe mula sa Bayan Muna chairperson.
Laman ng mensahe, “From Gel: Kuya, pakisabi hindi po ako na-offend. Itinanong n'ya po ang mga tamang tanong na gustong marinig ng tao ang sagot. Ginawa n'ya po ang trabaho n'ya. Wala pong nakaka-offend du'n at inirerespeto ko po siya. Pasensiya na po kung nakagulo po ako sa kanya.”
Sa nai-post na screenshot ng message sa Viber na natanggap ni Alvin from Bayan Muna Chair Colmenares, mapapansin na ang sumunod na mensahe ni Angel sa kanyang Uncle Neri.
Inamin doon ni Angel na bugbog na siya sa mga bashers.
“Salamat Cong. hehehe, bugbog na ako sa bashers.”
Sa kabila ng pinagdaraanan ni Angel, nakakabilib pa rin talaga ang tibay at kabutihan ng kanyang puso.





Tumulong ka nga... Ikaw pa ang masama... Di mo yon kasalanan, kasalanan yon ng taong pumunta kasi wala silang disiplina sa sarili... Di nman sila mga bata. May isip n sila.. alam nila ang tama. At alam nila ang mga health protocols... kailangan pa ba silang pagsabihan ng paulit- ulit???