Nabwisit, ‘di nakatiis… LOVE, NGO MOVIE NI JERALD, NILAYASAN NG MANONOOD
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 18, 2026

Photo: IG _iamjnapoles
Ipinost ni Ogie Diaz ang kinita ng mga foreign films sa kanyang social media platforms, kung saan nanguna ang Spider-Man: Brand New Day (SBND) na may P1.055 billion in 12 days, sinundan ng The Odyssey (TO) na may P335.3 million in 26 days at Toy Story 5 (TS5) na may P325.1M.
Aniya, “Sana, ganu’n din sa mga local films natin.”
Agad namang nagkomento ang mga netizens at marami ang nagsabing hindi presyo ng ticket ang problema kundi ang kalidad at mga kuwentong iniaalok ng ilang local films.
Sey ng mga netizens:
“May pera ang mga Pilipino para manood ng sine. ‘Di lang sila willing gumastos sa recycled na kuwento, predictable na plot, at pelikulang alam nilang ‘di sulit.”
“Kahit nga sa Netflix, ‘di ako nanonood ng Filipino movies o series. Aba, eh, sa ‘di ko magustuhan talaga, first episode pa lang, nakakayamot nang panoorin. OA (overacting) na acting, predictable na story, daming dead air, sigawan na nakakaumay, micro expressions na ‘di naman kailangan. ‘Pag siguro glued na ‘ko sa unang episode, baka sakali pang mahalin ko ang Pinoy movies/series. Aral pa more ang mga writers at directors, etc..”
“Heneral Luna lang yata ang huli kong napanood na Tagalog movie, eh. Kahit kailan, ‘di ako nanood ng movie ni Vice.”
“Heneral Luna is a good example na kaya naman ng local industry gumawa ng compelling films. Iba lang talaga ‘pag strong ‘yung writing at execution.”
“Kaya ‘di na rin basta ‘support local’ ang mindset ng mga viewers. Support is earned ‘pag feel nilang worth it ‘yung ibabayad nila.”
“Agree. I’m a Filipino, but honestly, I’m not really a fan of local films. Sometimes the acting and storyline are too predictable and obvious, so it feels like a waste of money.”
“As a senior, may free movies kami ‘pag Monday o Tuesday, dahil free nood din ng Pinoy movies pero corny talaga. Walked-out ako sa Meet, Greet & Bye (nina Maricel Soriano, Piolo Pascual, etc.) at lalo na sa Love, Ngo (ni Jerald Napoles). Aba, kumanta nang pa-ngongo, eh!”
“Hahaha! Kahit libre, may walkout pa rin. Ibig sabihin, ‘di lang talaga presyo ng ticket ang issue. Kung ‘di ka entertained, mahirap pilitin ang sarili mong tapusin.”
“Actually, mas okay pa ‘yung mga old Filipino movies, kung mag-binge watch lang ng mga old movies, like movie nina Maricel Soriano, Kris Aquino, etc. Ito kasing mga bago ngayon, ayoko na. I’m not saying all mainstream Filipino films are bad. Minsan kasi, naging practice lang na ‘pag mainstream Filipino movies, nagre-rely on predictable plots or familiar formulas, making them less memorable.”
“Agree. May mga old Filipino films na hanggang ngayon, kayang panoorin kasi mas memorable ‘yung characters at storytelling. ‘Di naman lahat ng bago, pangit, pero ‘pag familiar storyline na agad ‘yung dating, nawawala talaga ‘yung excitement.”
Naku, ano kaya ang masasabi ng mga producers, direktor, lalo na ang mga nagsusulat ng kuwento, sa hinaing ng mga manonood?
Eh, ‘di ba nga, maging ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman na si Direk Jose Javier Reyes ay nananawagan din na pagbutihin ang kalidad at mga kuwento ng local films?
Pagpe-flex niya, trabaho lang daw…
HEART, GALIT NA GALIT SA MGA TODO-YABANG SA SOCMED

Heart Evangelista sa Your Honor / YT
May prangkang banat si Heart Evangelista sa ‘yabang’ ng ilang influencers nang talakayin ang ‘flex culture’ sa kanyang paglabas sa Your Honor (YH), na hosted nina Chariz Solomon at Buboy Villar. Dito ibinahagi niya ang kanyang pananaw sa pag-uugali ng ilang personalidad online at sa totoong buhay.
Inamin ni Heart na nakakainis para sa kanya ang labis na kayabangan ng ilang influencers.
Sey niya, “‘Di ko ma-take kasi ‘yung ibang influencers kung umasta. (Ang) Yabang mo, sis! Ang yabang mo, I hate that!
“Ako, mayabang ako, iniyayabang ko ‘yung kailangan ko iyabang kasi trabaho ko ‘yun. Pero kung ano ang binili ko, ‘di ko ‘yun ia-unbox. Kasi for me, okay, iba-iba tayo ng trip. I respect that.”
Para kay Heart, hindi naman ang pagpapakita ng tagumpay o mga ari-arian ang problema kundi ang paraan ng pakikitungo ng isang tao sa kapwa.
“I’m fine with that. Ang point ko lang is magkakaalaman kayo in person, kasi ang taas, ah! Grabe ang taas,” saad ng The People Have Spoken (TPHS) host.
Wala rin daw siyang pasensiya sa mga taong umaasta na parang karapat-dapat sa espesyal na pagtrato.
Aniya, “I don’t like entitled people, I don’t like that, turned-off ako. And if you want to name names or if you want to say things about me, I’ll never say it like this, because I wasn’t brought up that way. But, hanapan mo ako ng dumi, ilalagay kita sa microscope, mas maraming mahahanap sa ‘yo na bacteria. ‘Yung flesh-eating bacteria.”
Um-agree naman ang mga nakapanood sa interview ni Heart at pinuri ang kanyang prangka at sinserong pananaw.
Sey ng isang netizen, “Hahaha! Love that, always palaban.”





Comments