Search
  • BULGAR

Nabuntis sa edad na 24… KRIS KAY MILES: UTANG NA LOOB, 'WAG MO KONG GAYAHIN!

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 4, 2021




Sa latest Instagram video ni Kris Aquino, makikitang sinorpresa nito ang Kapamilya actress na si Miles Ocampo sa kanyang 24th birthday last May 1 (Saturday), Labor Day.


Sabi ng isang source, kinutsaba niya ang ilang staff para sabihing bisitahin siya ng anak-anakan dahil masama ang kanyang pakiramdam.


But to Miles' surprise, sinalubong siya ng balloons, bouquet of roses at cake mula kay Bimby at sa kanyang mom pagpasok niya sa room kung saan nakahiga pa si Kris hawak ang kanyang cellphone.


Sa nasabing video, ibinahagi ni Kris ang kanyang birthday message for Miles kung saa'y kanyang ikinuwento na halos 8 taon na raw silang close ni Miles na nagsimula habang ginagawa nila ang drama series na Kailangan Ko’y Ikaw noong taong 2013.


Sa nabanggit na serye, ang karakter ni Roxanne ang role ni Kris at anak niya rito si Miles. Mula noon, minahal niya nang tunay ang 24 years old na aktres dahil sa kabaitan at wagas nitong pakikisama.


Sabi pa ni Miles kay Kris, "From being my Nanay Roxanne 8 years ago 'til now, thank you for loving me. Thank you very much for everything, Tita Kris. I love you always."


Sa parehong video, sinabi ni Kris na eldest daughter na nga raw ang turing niya kay Miles.

"We love her, and I sent this. I think I'm allowed to read this. Ito ‘yung birthday message ko sa kanya... ‘Ate, I’m about to sleep so hindi aabot sa midnight. When you became my daughter in our teleserye, little did I know that after eight years, in real life, you really would be someone I considered as my daughter.


"'You bring so much love and appreciation into my life and Bimb’s life. You remind us to be grateful. You show me that I have so much more love in my heart to give. You made me happy to take care of you because you express to all of us how thankful you are, and never we felt that you abused our generosity. For the rest of your life, you are MCA, Miles Cojuangco-Aquino. I love you, ate. Never doubt that. Through it all, we are already family. We love you. Happy 24th birthday,'" maemosyong mensahe ni Kris kay Miles.


Ibinahagi rin ni Kris ang kanyang birthday wish for Miles.


“I just have one... dapat lumabas ‘to in its entirety. Twenty-four, naging nanay ako. Utang na loob, ‘wag mo ‘kong gayahin. Please?" may himig-birong sabi ni Kris.


“Mag-aral. Kasi lahat po ng videos that we put out doon sa interview with Bimb, she edited that. And so she really has an eye, so I feel that it’ll start with editing and I know that she could become one of the really good directors kasi she started as a child actress. So, dapat ipagpatuloy niya ‘yun," mensahe pa ng Queen of All Media kay Miles.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.