ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 9, 2023
Masama ang loob ni Heart Evangelista sa hindi niya pagkakatuloy sa pagrampa sa New York Fashion Week. Feeling niya, may mga taong lihim na gumagalaw at sumasabotahe sa kanya.
Recently ay natuklasan ni Heart na may nagpi-feed sa mga namamahala sa New York Fashion Week na hindi siya available sa nasabing fashion event dahil sobrang busy ang kanyang schedule.
Pailalim pa na sinisiraan si Heart Evangelista ng mga taong humaharang sa kanyang pagdalo.
Kaya ngayon ay dobleng-ingat na si Heart. Kumuha siya ng mga taong may direct contact sa New York at Paris Fashion event upang hindi siya nasisingitan ng mga taong gustong sumabotahe sa kanya.
Marami ang lihim na naiinggit sa tagumpay ni Heart Evangelista sa fashion world kaya sinisira ng mga ito ang kredito at imahe ni Heart sa publiko! At ‘yun ang hindi basta papayagan ni Heart Evangelista na mangyari.
Comments