top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabili ng P388 M, for sale ngayon… MANSION NI PACQUIAO SA FORBES PARK, P2.3 B NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2021
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 21, 2021





For sale pa rin pala at hindi pa naibebenta ang Forbes Park mansion sa Makati nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao.


Nasa listahan ng properties for sale sa Presello.com ang Zen-inspired luxury mansion na 2,000 square meter lot at may 5 bedrooms, 7 bathrooms at super-gandang pool area at garden.


Take note kung magkano ang selling price ng naturang mansiyon… P2.3 billion lang naman!


Yes, mga Marites, you heard it right, P2.3 billion and not just million, 'no!


Kung 'di kami nagkakamali, ito 'yung dating ibinebenta ng worth P708 million nu'ng year 2014 dahil inireklamo nga ang mga Pacquiao ng kanilang mga shalang (read: sosyal) neighborhood dahil sa kanilang mga bisitang 'dukha' (maka-dukha naman, awww!).


Pero nu'ng una nilang nabili ang property, P388 million lang (wow, maka-lang, ha?!) ito, at ipina-renovate na nga lang kaya malamang, malaki rin ang ginastos nila.


But still, ha, kung mabibili ang Forbes Park mansion ni Sen. Manny, ang laking pera nu'n lalo't may bali-balita ngang malaki na raw ang nawawala sa kaban ng yaman ng pamilya Pacquiao.


Ay, naku, kung may pera lang kami, bibilhin talaga namin… ang mga halaman ni Jinkee Pacquiao! Char!


Pang-halaman lang ang budget ni Ateng! Baka nga can't afford pa rin sa mga shalang halaman ni Madam Jinkee! Hahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page