top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

NABANGGA NI NIÑO, ‘DI PINABAYAAN SA OSPITAL, SUSTENTADO RIN PATI GROCERY AT BAON NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
20 minutes ago
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 16, 2026



SHEET - NABANGGA NI NIÑO, ‘DI PINABAYAAN SA OSPITAL, SUSTENTADO RIN PATI GROCERY AT BAON NG ANAK-FB Niño Muhlach

Photo: File / Niño Muhlach - IG



Hindi nagbigay ng kanyang panig si Niño Muhlach tungkol sa panawagan ng netizen na si Nicolas Villanueva na hindi pa siya kinokontak ng aktor tungkol sa mga pangako na babayaran siya at papalitan ang kanyang motorsiklo na ginagamit sa trabaho.


Matatandaang inararo ng SUV ni Niño ang ilang establisimyento sa Marcos Highway, Antipolo City noong Agosto 23 kasama ang karinderya kung saan naroon si Nicolas at ang motorsiklong nakaparada.


Ang maybahay ni Niño na si Diane Abby Tupaz ang sumagot sa hinaing ni Nicolas at sinabi nito na hindi totoong kinalimutan na ng asawa niya ang pangako nito.


Sa pamamagitan ng Facebook (FB) account ni Diane, ini-repost niya ang hinaing ni Nicolas at saka niya sinagot punto per punto.


Aniya, “‘Yung post na kumakalat, eh, parang pinapalabas na wala man lang ginawang tulong si Niño Muhlach sa taong naperhuwisyo niya sa aksidente. ‘DI ‘YAN TOTOO!


“I know na ‘di na dapat ako mag-react but I can’t. I really can’t! ‘Di ko kaya na ‘di ko maide-defend ‘yung husband ko (Niño) or mga anak ko, lalo na sa mga taong ‘mema,’ may masabi lang sa comment section o mga feeling may alam sa totoong nangyayari.”


Hindi nagustuhan ng wifey ni Onin na idinamay pa ang anak nila.


Pahayag niya, “Pati anak ko, idinadamay pa sa mga walang kuwentang comment nila! My husband is a good man! I’m saying this not because I’m his wife, but because he really is that kind of person na kailanman, hinding-hindi ginustong makasakit o makaagrabyado o makaperhuwisyo ng ibang tao.


“Alam ni Niño kung ano ‘yung responsibilidad n’ya sa mga taong naperhuwisyo n’ya and hinding-hindi n’ya ‘yun tatalikuran. Nakita naman din ng lahat na nu’ng una pa lang, inamin n’ya ‘yung pagkakamali n’ya, ‘di n’ya tinalikuran, tinakbuhan o pinabayaan ‘yung mga taong naperhuwisyo dahil sa aksidenteng nagawa n’ya.


“Sa taong na-hospital na si Nicolas Villanueva, araw-araw ay sinisiguro ni Niño na natututukan ng mga doctor and naibibigay sa kanya lahat ng gamot na kailangan n’ya.

“Sinigurado rin ni Niño na naibibigay ‘yung araw-araw na pangangailangan ni Nicolas Villanueva and ng family n’ya habang nasa hospital sila. Cash pang-food, mini grocery, travel expenses, at pati pambaon na money sa school ng daughter ni Nicolas. And ‘yung sa ‘motor,’ ‘wag ho kayong mag-alala kasi siguradong mabibigyan ‘yan ng kapalit, ‘di naman tatakas si Niño nang dahil lang sa motor.


“‘Di sila pinababayaan ni Niño. ‘Di tumigil sa pagbigay ng tulong ang asawa ko lalo na kay Nicolas at hanggang ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang pag-support niya sa gastusin nito dahil may mga check-up pa s’ya.


“Kung magpo-post tayo ng ‘di totoo at ‘di maganda tungkol sa isang tao, pag-isipan muna natin maigi kung deserve n’ya ba na masira s’ya sa ibang tao. Kasi kung hindi, eh, alam nating lahat na napakabilis ng balik ng ‘KARMA.’ Lalo na sa mga taong nanlalamang ng kapwa.”


Hayan, hindi naman pala totoong hindi nagparamdam si Onin kay Nicolas. Ang motor na lang ang hindi pa naibibigay.


Anyway, bukas ang BULGAR sa panig uli ni Nicolas Villanueva.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page