top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Nabangga, kahit binayaran pa… NIÑO, 2 YRS. BAWAL MAGMANEHO

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 17, 2026



Niño Muhlach - IG

Photo: File / Niño Muhlach - IG



Burado na ang post ni Nicolas Villanueva sa kanyang Facebook (FB) account. Siya ang netizen na nagreklamo kay Niño Muhlach dahil hindi na raw siya binalikan mula nang maospital matapos mabangga ng SUV ng aktor noong Agosto 23.


Kahapon, Miyerkules, nasulat namin dito sa BULGAR ang panig ng misis ni Niño na si Diane Abby Tupaz, na hindi totoong hindi inaasikaso ng aktor ang nabangga, dahil lagi raw ipinapa-check ng asawa niya ang kalagayan nito sa doktor na tumitingin kay Nicolas.


Binanggit din ni Diane na lahat ng pangangailangan nito habang nasa ospital ay ibinibigay – mula gamot, pagkain nito at ng taga-bantay at pambaon ng anak sa eskuwelahan.


Kahapon ay binura na ni Nicolas ang post niya dahil nagkaharap na sila ng kaanak ng pamilya ni Niño sa opisina ng barangay, base sa larawang ipinost nito sa kanyang FB, at humingi siya ng dispensa sa pag-shout out dito sa social media.


Aniya, “Isang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa inyong lahat. Ako ay humihingi ng malalim na patawad sa aking mga nasabi at nagawa kamakailan.


“Alam ko na ang aking mga kilos ay nakasakit at nakadisakto (nakasama) sa marami sa inyo, at walang rason para balewalain ko ‘to. Buong-puso kong tinatanggap ang responsibilidad sa aking pagkakamali. ‘Di ko sinasadya na makasakit, pero alam ko na ang epekto ng aking ginawa, na ito’y totoo at seryoso.


“Marami akong natutunan sa pangyayaring ‘to. Sana ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na patunayan ito sa pamamagitan ng aking mga susunod na kilos.


“Muli, humihingi po ako ng tawad sa inyong lahat, kay Ma’am Diane Abby Tupaz, Sir Niño Muhlach, Ma’am Angela Muhlach-Hortaleza.


“Taos-puso po ako humihingi ng kapatawaran po. Nagawa ko lang po dahil sa dala ng aking emosyon dahil sa motor ko po ako umaasa para may pansuporta po ako sa pang-araw-araw namin.


“Muli, ‘di kabawasan sa akin ang paghingi ng kapatawaran upang maging maayos po ang lahat. Maraming-maraming salamat po.”


At tungkol naman sa motor ay tinawagan na pala si Nicolas ng insurance company, pero hindi raw nito kinausap nang maayos, base ulit sa pahayag ng wifey ni Onin.


Sabi ni Diane, “Nicolas Villanueva, gusto ko lang ipaalam na last week pa pala kayo kinokontak ng insurance pero ‘di n’yo raw kinakausap. Inaaway n’yo pa raw ‘yung insurance. Sabi nila, inaaway n’yo raw sila.


“Gusto n’yong palitan ‘yung motor n’yo and ‘yun naman ang gagawin ng insurance, pero ang request daw sa inyo ng insurance, eh, kailangan makita nila ‘yung motor para ma-estimate nila kung magkano and malaman ‘yung mga need na requirements.


“Humihingi rin daw ‘yung insurance sa inyo ng copy ng OR/CR (Official Receipt & Certificate of Registration) at Driver’s License ID, FRONT & BACK portion ng driver ng motor, as well as ‘yung copy ng TPL (Third-Party Liability) Policy mo. Pero inaaway n’yo raw and ayaw n’yo na makipag-usap sa kanila. Paano nga talaga maaayos kung ganito naman pala ang nangyayari?”


Samantala, kahapon ay ni-revoke na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ni Niño at dalawang taong hindi makakapagmaneho ang aktor matapos umamin sa kanyang pagkakamali kaya nakabangga sa Marcos Highway, Antipolo nu’ng Agosto 23.

Nasa alarm status naman ang sasakyan ni Niño upang matiyak ang pagpapatupad ng ipinataw na parusa. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page