Umabot sa 600 pcs… LUXURY BAG COLLECTION NI JINKEE, NASA P500 M NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 18, 2026

Photo: IG _jinkeepacquiao
Malaking kayamanan na ang luxury bag collection ni Jinkee Pacquiao, na sinasabing nagkakahalaga ng P500 million.
Nakaipon na ng mahigit 600 pcs. na luxury bags ang misis ni Manny Pacquiao, na karamihan ay Hermès. Siya at ang multi-millionaire businesswoman na si Alice Eduardo ang sinasabing may malalaking collection ng luxury bags sa ‘Pinas.
Nakahiligan ni Jinkee ang pagkolekta ng luxury bags bilang regalo sa kanyang sarili. Marami rin sa mga ito ay bigay ng kanyang mister. At masuwerte si Jinkee dahil natupad ang mga pangarap niya sa buhay.
Well, deserve naman niya ang tinatamasang kasaganahan ngayon dahil nakasama niya si Pacman noong panahong mahirap pa sila.
Rochelle, ayaw irespeto bilang lider…
JOPAY, OUT SA SEXBOMB
MARAMI sa mga fans ng Sexbomb Girls (SBG) ang nakapansin na hindi kasama si Jopay Paguia sa music video ng Mama, Mama!.
Ini-launch sa All-Out Sundays (AOS) ang nasabing kanta, at dito ay nakasama ng grupo ang iba pang P-pop girl groups.
Ang tsika, may gap diumano sila ni Rochelle Pangilinan, na naging dahilan ng pagkalas ni Jopay sa Sexbomb.
Well, may paliwanag naman si Rochelle tungkol sa pagkawala ni Jopay. Bagama’t hindi direktang kinumpirma ng aktres-dancer na kumalas na ito, sinabi niyang dapat na magpakita ng respeto ang mga girls kung itinuturing siyang leader. Siya kasi ang namamahala at nagpaplano ngayon ng mga projects ng grupo.
Mapapanood pa rin naman si Jopay na nagpe-perform on stage sa ilang provincial shows kasama ang kanyang mister na si Joshua Zamora, na isa ring magaling na dancer. Pareho silang Zumba instructors at dito sila kumikita nang malaki.
Tatay ng anak ni Ellen, happy na uli…
PERA AT NEGOSYO, DAHILAN DAW NG HIWALAYANG JOHN LLOYD-ISABEL
SINGLE na ulit ngayon si John Lloyd Cruz (JLC) matapos silang maghiwalay ni Isabel Santos. May mga tsikang may kinalaman daw sa pera at negosyo ang kanilang breakup.
Ganunpaman, tanggap na ng aktor ang nangyari sa kanilang relasyon. Masaya na siya sa pagiging single ngayon at focused muna siya sa kanyang mga negosyo.
May plano rin si Lloydie na balikan ang kanyang showbiz career matapos ang ilang taong pamamahinga.
Ayon sa psychic na si Gloria Escoto, a.k.a. (also known as) Mamu, makakatagpo namang muli si JLC ng bagong pag-ibig at hindi siya mananatiling single sa habampanahon.
Financially stable naman siya at si Elias ang nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay. Hindi pinababayaan ni Lloydie ang kanyang anak na sinisiguro niyang natutugunan ang lahat ng pangangailangan nito.
In fact, ipinagmamalaki ni Ellen Adarna na sobra-sobra ang ibinibigay na sustento ni JLC buwan-buwan.
MARAMING viewers ng The Master Cutter (TMC) ng GMA-7 ang natuwa sa balitang magkakaroon ng Season 2 ang seryeng pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Habang nagtatagal, lalo raw nagiging kapana-panabik ang mga kaganapan sa serye kaya halos hindi na bumibitaw ang mga viewers gabi-gabi.
Marami ang labis na nag-aalala kay Natoy (Dingdong) na pinaparusahan ng sindikato. At maging si Audrey (Max Collins) at anak na si Janine ay ikinulong na ni Red (Paolo Contis).
At dahil may Season 2 ang TMC, kailangang tutukan ni Dingdong ang mga gagawing pagbabago sa mga eksena. Kaya pansamantala niyang iiwan ang pagho-host ng Family Feud (FF), na sasaluhin muna ni Michael V..
Well, may mga bagong characters na papasok at isa na nga rito si Marian Rivera, na ang gusto ay maging kalaban ni Natoy.
Bongga tiyak ito, at marami pang malalaking artista ang magge-guest.
Good news din para sa ibang cast ang extension ng serye.





Comments