John Lloyd at Ellen, todo-enjoy sa party… ISABEL: IT'S ALL LOVE UNTIL IT'S NOT

ni Julie Bonifacio @Winner | September 18, 2026

Photo: IG _isabelreyessantos
Spotted sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na super-enjoy sa isang party. Ang nakakaintriga ay ang pagsuot ng aktres ng jacket ni Lloydie.
Mabilis na nag-speculate ang mga netizens na baka bumalik na ang dating tamis ng pagtitinginan ng mga magulang ni Elias. Kitang-kita ang saya sa glow ng mga mata ni Lloydie during the party, based sa mga lumabas sa social media.
Kuha ang mga larawan sa birthday party ng common friend nila at nakasalang sa kantahan kasama ni Ellen ang lead singer ng Kamikazee na si Jay Contreras, mister ng dating child star na si Sarah Jane Abad.
Kasabay ng ‘bonding’ nina Ellen at Lloydie ay may nakakaintrigang post sa Instagram (IG) ang diumano'y ex-girlfriend ng aktor na si Isabel Santos na binigyan ng ibang kahulugan ng mga netizens.
Well, ramdam daw nila na nag-break na sina Isabel at Lloydie. Posibleng may kinalaman daw kasi sa relasyon nila ni John Lloyd ang nakasulat sa t-shirt na ipinost ni Isabel.
“It’s all love until it’s not,” ang nakasulat sa naturang white shirt na naka-post sa IG ni Isabel kahapon.
Ito raw ang paborito niyang shirt na nabili during his US trip kung saan nanood siya ng tennis tournament.
“Fave souvenir shirt last trip,” caption ni Isabel na may dalawang tennis racket emojis sa dulo.
May nag-react na follower ni Isabel sa kanyang post.
“Agree, tapos sa baba, may ‘Just do it,’” comment ng IG follower ni Isabel.
Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula kina John Lloyd at Isabel sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Huli sa CCTV…
SAM, SI FAITH DAW ANG KASAMA PA-USA
HULI si Sam Verzosa sa CCTV sa loob ng airport na may kasamang mystery woman. Kumalat ang video nila sa social media.
Makikita sa video si Sam na busy sa paghahanda paalis ng bansa at patungong Los Angeles, USA.
Sa comment section ay hinulaan ng mga netizens kung sino ang mystery woman na kasama nito.
Ilan sa mga comments…
“Faith da Silva.”
“Faith!”
“Bakit ganu’n ‘yung buhok ni ate?”
Unang umingay ang tsismis sa dalawa pagkatapos makitang magkasamang nanood ng concert ni Jessica Sanchez noong Mayo, 2026.
Katwiran ni Faith, matagal na raw silang magkaibigan ni Sam.
At kung ma-link man sila sa isa’t isa, ano naman ang masama? Dalaga naman si Faith at binata naman si Sam, ‘di ba?
But this time, ano kaya ang reaksiyon ng aktres tungkol dito?





Comments