top of page
BULGARY - ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE-IG _alex.eala &

Hirit sa mga kapwa Pinoy… LIZA: UTANG NA LOOB, ‘DI DAPAT FOREVER

Writer: BULGAR
BULGAR
39 minutes ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 18, 2026



TALKIES - LIZA UTANG NA LOOB, ‘DI DAPAT FOREVER-IG _lizasoberano

Photo: IG _lizasoberano



“Utang na loob” ang isa sa mga social rules sa kulturang Pilipino na dapat matutunang unawain sa ibang paraan, ayon kay Liza Soberano sa isang panayam na ibinahagi sa Instagram (IG) post ng BuzzFeedoz.


Tanong kay Liza, “What’s one social rule that exists within the Filipino culture that you think people should unlearn?”


Sagot niya, “Utang na loob. Because I feel like yes, it’s always nice to be grateful for the things that you’ve achieved, people that have helped you and everything. But it shouldn’t be considered a lifetime debt that you have to repay those who have helped you.”


Dagdag pa niya, dapat umano ay tumulong ang isang tao dahil bukal ito sa kanyang kalooban at hindi dahil may inaasahang kapalit.


“I feel like people should learn to just help out of the kindness of their heart without expecting anything in return. It’s always nice to have something returned but do not expect it,” ani Liza.


Well, big tumpak ka r’yan, Liza. Pero ang tanong ng madlang people, kailan ba nag-e-expire ang utang na loob?





Basta love ng anak, aprub sa kanya…

BIMBY, PURING-PURI NG NANAY NI RYZZA MAE



KUNG sino man ang lalaking mapupusuan ni Ryzza Mae Dizon ay suportado ng kanyang mother dearest na si Mommy Rizza, ayon sa isang panayam.


Ayon sa ina ng aktres-host, ang mahalaga para sa kanya ay magmahalan at maging mabuti ang magiging relasyon ng kanyang anak.


Sey nito, “Ako naman po, kung sino po ‘yung magugustuhan ng anak ko, kung sino ‘yung magmamahal sa kanya at mamahalin din n’ya, support po ako.”


Sa naturang panayam, napuri rin ni Mommy Rizza ang anak ng aktres-TV host na si Kris Aquino na si Bimby sa pagiging maginoo at magalang nito.


Aniya, “Okay naman po, mabait po si Bimby. Tapos, napakaano… napakabait na bata, magalang po s’ya.”


Samantala, may ilang netizens naman na nagpahayag ng pag-aalala dahil tila dumarami na umano ang mga bumabatikos sa mag-inang Dizon.


Pakiusap naman ng ilang fans ni Aling Maliit kay Mommy Rizza, suportahan at hikayatin si Ryzza Mae na tapusin muna ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo bago tuluyang mag-focus sa iba pang bagay.


Saad ng isang netizen, “Parami nang parami ang mga bashers ng mag-inang Dizon. Basta Mommy Rizza, i-push mo si Ryzza Mae na magtapos ng college. Importante na magtapos ng kolehiyo at degree holder. Then, mag-business na magiging source ng inyong ikabubuhay once wala na s’ya sa showbiz.”


In fairness kay Ryzza Mae, mukhang matalino at determinado naman ang dalaga. Kaya sure si yours truly na ipagpapatuloy ni Aling Maliit ang kanyang pag-aaral at pagsusumikapang makapagtapos ng kolehiyo. ‘Di ba naman, mga Dabarkads?





PATULOY na nangungunang pelikula sa Netflix Philippines ang Star Cinema romantic drama na Tayo Sa Wakas (TSW), na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Nagsimulang mapanood sa Netflix ang pelikulang mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana noong Biyernes (September 11) at agad itong umakyat sa unang puwesto matapos ang matagumpay nitong theatrical run bilang isa sa mga top-grossing Filipino films ng 2026.


Umiikot ang TSW sa kuwento nina Cheska (Belle) at Cisco (Donny), dating magkasintahan na napaghiwalay dahil sa kanilang magkaibang ambisyon. Sa isang ‘breakup trip’, bibigyan nila ng huling pagkakataon ang kanilang relasyon habang sinusubukang alamin kung dapat na ba nilang tuluyang isuko ang kanilang pag-iibigan o maaari pa itong maisalba.


Dagdag ito sa patuloy na tagumpay ng TSW matapos ang matagumpay nitong pagpapalabas sa mga sinehan, at patunay sa patuloy na pagtangkilik ng audiences sa mga kuwentong Pilipino tungkol sa pag-ibig at pagbibigay ng panibagong pagkakataon.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page