SAM AT TOM, SPOTTED DAW NA MAGKA-HOLDING HANDS

ni Julie Bonifacio @Winner | September 17, 2026

Photo: Tom Rodriguez at Sam Milby - IG
Nali-link si Tom Rodriguez kay Sam Milby.
Wala naman kaming makitang koneksiyon sa dalawa except sa pareho silang guwapo at lumaki sa Amerika.
Waley din kaming nabalitaan na meron silang ginawang proyekto na magkasama.
Tsika kasi nu’ng basher sa social media, “Nakita namin ‘yan si Tom sa hotel kasama si Sam Milby, magka-holding hands.”
Mahirap paniwalaan, ‘di ba? Unless may ilabas siyang ‘resibo’ to prove ang alegasyon niya kina Sam at Tom.
Ngayon pa ba ili-link si Tom sa kapwa niya artistang lalaki sa gitna ng pinag-uusapang non-showbiz girlfriend niya at ng kanyang baby boy na si Korben?
Kalat na sa socmed (social media) ang picture ni Tom na may kaakbay na babaeng mestiza. Unti-unti na raw inire-reveal ni Tom ang kanyang ‘family’.
Makikita sa picture ang aktor at ang mestizang babae, kasama ang isa pang babae at lalaki, sa isang studio na may pangalang Bundle of Joy.
Dahil dito, pinagdudahan ng mga netizens na partner ni Tom ang mestizang girl.
Two years ago ay ini-reveal ni Tom ang tungkol sa kanyang anak na si Korben, pero hindi niya ipinapakita ang mukha nito at ang ina ng bata sa kanyang social media.
And now, may bago raw pa-reveal si Tom. Maaaring bagong girlfriend niya ang babae, o siya rin ang ina ni Korben, na ngayon ay unti-unti nang ipinapakita ni Tom.
May kani-kanyang hula ang mga netizens kung iisa nga ang babae.
“‘Yan ata ang partner n’ya, nakita ko na sa post ni Tom na kasama n’ya ‘yang babae na bitbit ang bata.”
“Walang bitterness, purong happiness.”
“He wants to keep his family life private, let’s respect that. Let them live peacefully.”
Agree.
EMOSYONAL ang tinaguriang Philippine’s Music Festival Queen na si Ivy Violan when we chanced upon her before her show at RJ Bistro, Dusit Hotel sa Makati City last Saturday.
Feeling ‘nanay’ siya that night. Launching din kasi ng new artist na kanyang mina-manage ngayon na si Cyrus sa show nila titled Sparks of Love With Ms. Ivy Violan & Cyrus.
Pahayag ni Ivy, “Actually, nagiging emotional ako ngayon. Nanay ako, ang feeling ko. Uh, I’m launching my artist. Kilala n’yo si Cyrus, which is also under Viva Records? Kaya medyo may kaba and excitement, but ‘ika nga, it’s also the birth of Sparks family, ‘yung producer namin.”
Natutuwa si Ivy dahil sa magandang resulta ng kanyang mga pinaghirapan.
“Ang aking adhikain kasi, is to be a blessing to others, especially to the young artists. I am just so blessed.”
Naisip niya na mag-manage ng new artists dahil ito lang daw ang daan na naisip niya para makapag-share.
Judging from what we saw during the concert, matagumpay ang pagko-coach ni Ivy kay Cyrus. Malakas ang presence nito on stage, maganda ang quality ng boses at may konek sa audience.
And for Ivy, iba talaga kapag veteran singer, puno ng confidence, kayang-kayang dalhin ang crowd at may sariling tunog.
Kaya naman, nandiyan pa rin at patuloy na tinatangkilik si Ivy ng kanyang mga supporters even after 46 years ng pamamalagi niya sa entertainment scene.
Congrats, Ivy and Cyrus!





Comments