top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabakunahan ng AstraZeneca kahit 'di frontliner… MARK ANTHONY, LAGOT KAY P-DIGONG

  • BULGAR
  • Mar 26, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 26, 2021




Naging trending topic sa social media ang paglantad ni Mark Anthony Fernandez na nabakunahan na siya ng COVID vaccine na AstraZeneca.


Si Mark Anthony ang kauna-unahang celebrity-artista na lumantad para sabihing naturukan na siya ng COVID vaccine, gayung ang nasa listahan ng mga priorities sa bakuna ay mga health workers na silang nasa frontline at delikado sa pagkakaroon ng virus dahil sa linya ng kanilang trabaho.


Nakarating kay Pangulong Duterte ang impormasyong nabakunahan na nga si Mark Anthony ng ipinamamahaging COVID vaccine ngayon ng pamahalaan mula sa donasyon ng ibang bansa.


Dahil dito, pinaimbestigahan ng Pangulo sa Department of Health kung bakit at paano napasama ang 'aktor' na taga-Parañaque na hindi niya nga pinangalanan sa kanyang speech, pero lumutang pa rin ang pangalan ni Mark Anthony.


Kapag nagkataon, tiyak na lagot ang aktor at maging ang nagbigay dito ng bakuna dahil ayon pala sa kasunduan ng ating bansa at ng World Health Organization (WHO), maaaring ipatigil na ang donasyong COVID vaccine sa 'Pinas kapag hindi nasunod ang kasunduang unahin ang mga frontliners sa prayoridad na mabakunahan.


Ano kaya ang magiging paliwanag dito ni Mark Anthony, na ang dinig namin ay ilang beses nagpabalik-balik at humiling na unahin siyang mabigyan ng bakuna dahil kabilang daw siya sa comorbidities category dahil sa kanyang hypertension at depression?


Well, abangan na lang kung may dapat nga bang kaharaping kaso ang aktor o ang mga nagturok sa kanya?




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page