Na-COVID, walang ospital… PAGKAMATAY NG UTOL, ISINISI NI JOHN SA KORUPSIYON SA GOBYERNO
- BULGAR
- Sep 14, 2021
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 14, 2021

May dahilan at pinaghugutan naman pala ang tweet ni John Arcilla na, "Sana’y MAGBAGO na ang MGA Opisyal ng ating Bayan na NAPAPABALITANG KUMUPIT NG BILYUN-BILYONG HALAGA PARA SA KANILANG KAPAKANAN kaysa kapakanan ng mga KABABAYAN NATING NAGUGUTOM NA AT NANGANGAMATAY DAHIL SA PANDEMYA. Gamot po at Hospital ang KAILANGAN NATIN. MAAWA NA KAYO."
Sa isang panayam kasi ng magaling na aktor, naikuwento nitong kamamatay lang pala ng kanyang kapatid na babae nu'ng September 10 dahil sa COVID-19.
Ayaw daw magpaospital ng kanyang kapatid dahil takot na mas lumala ang kondisyon since punuan sa mga ospital, kaya mas pinili nitong magpagaling na lang sa bahay.
Ang siste, umabot sa puso ang epekto ng virus sa kapatid ni John na siyang ikinasawi nito.
Emosyonal na sabi ng aktor, "My thing is this, habang ang lahat ng tao ay natatakot at nawawalan ng pag-asa, nawawalan ng tiwala sa mga facilities at saka sa hospitals, meron kang mababalitaan na nawawalang bilyun-bilyon na dapat sana ay iginawa ng facilities na mayroong magandang procedures, itinayo ng hospitals at bumili ng gamot para sa mga ganitong klase ng tao para lumakas ang confidence ng mga nagkakasakit.
“Bigla kang makakabalita ng mga nawawalan na bilyun-bilyon. I felt that the death of my sister particularly ‘tong last na ‘to, is part of the social injustice. I think she’s a victim of social injustice.”
Awww! You nailed it, Sir John!
Sa totoo lang, nakakaiyak 'yung mga ganitong kuwento, pero bakit nga ba parang wala lang sa mga patuloy pa ring 'nangungupit' sa kaban ng bayan?
'Pag pera talaga ang usapan, nawawalan na ng kunsensiya ang mga linsiyak!





Comments